Trying To Find You In The Dark

51 1 0
                                    


**************************

Gabriella Cecelia Rios


Masyado ata akong naging kumportable sa kwarto na ito tanghali na ako nagising, naalimpungatan ako dahil sa sikat at init ng araw na tumama sa balat ng mukha ko. Sino ba namang hindi magigising kung pakiramdam mo ay sinusunog ka na habang natutulog ka? Kahit naman ata sino ay magigising katulad ng nang yari sa'kin.



Pag-tingin ko sa orasan ng kwarto, alas nuweve na ng umaga at hindi ko akalain na mapapasarap ako ng tulog dahil hindi naman din maipagkakaila na kumportable ang higaan pati na ang mga unan at kumot. Pakiramdam ko ay natutulog ako sa malambot na cotton candy o bulak, basta malambot!




Idagdag mo pa na mabango rin ang silid, at tamang-tama lamang ang temperatura. Ganito pala ang pakiramdam kapag natutulog ka sa isang VIP room, pero maalala ko lang din na isang gabi lang ito. Oras na para gumising ako sa realidad, hindi ako si Tiana at wala akong Prinsepeng palaka!




Nag-madali akong ayusin ang sarili ko saka ako lumabas sa kwarto, nang makalabas ako ay bigla naman akong nakaramdam ng gutom dahil sa mabangong amoy ng mga pag-kain na nag-mumula sa kusina. Sino kayang nag-luluto? Grabe! Baka yung chief yon!



Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa kusina, nang makarating ako doon? hindi ko alam kung madi-disappoint ako o maaawa sa nang yayari sa kaniya ngayon. Si Mr. West Collins, naka-suot ng pink na apron tapos heart pa yung disenyo pero hindi naman iyan ang problema eh, yung kusina? Parang isinumpa at hindi na ito mukhang kusina!



May sunog na pritong itlog sa gilid ng lababo, puro natapong juice at gatas sa lamesa at higit sa lahat? Ang daming hugasan na madumi at mukhang wala ata siyang balak na linisin ang mga iyon!


Kung sino man ang ancestor niya, sana huwag po kayong magalit sa'kin pero bakit naman po ganito ang kamag-anak ninyo? Parang argh!! Ang kalat niya!! Ano bang pinag-gaga-gawa niya dito?! Saka ano bang niluluto niya? Pag-kain ng demonyo?



Kalma Cecelia, wala kang karapatang mag-reklamo dahil una sa lahat ay hotel niya ito, pangalawa? Nakitulog ka lang, at pang-huli? Hindi mo naman kusina ang kinakalatan niya kaya huwag mo na lamang intindihin or better yet? Lumapit ka na doon at tulungan mo yang boss mong balahura sa kusina!



Ilang minuto pa akong tumayo sa gilid habang pinapanood siyang mag-dusa, siyempre hindi ako natutuwa na nakikita siyang ganito pero gusto ko lang namang nakita kung ano ang gagawin niya sa mga kinalat niya. Ang bango at amoy masarap pa naman ang niluluto niya tapos ganito ang madadatnan ko?



Kung hindi ako nag-kakamali, nag-luto siya ng Filipino style breakfast dahil naa-amoy ko ang tocino saka sinangag. Iyon siguro ang dahilan kung bakit may nasunog na itlog sa loob ng kawali, siguradong mamahalin ang mga gamit dito pero mukhang hindi man lang siya nang hihinayang.



Pag-lingon ko naman sa lamesa ay mayroong iba't ibang uri ng mga croissants, pastries, waffles pati na tinapay doon, marami rin ang pag-pipilian pag-dating sa mga palaman at inumin. Hindi naman siguro siya gutom, I mean? Hindi halata na gutom siya kaya sobrang dami niyang hinandang pag-kain.




Aalis na sana ako para muling kunin ang mga gamit ko sa kwarto pero may natapakan akong matulis, dahilan iyon para mapasigaw ako ng todo. Sobrang sakit!



Ano ba 'to??! Bubog?! Bakit may bubog dito?!!



"Shit!". He was flabbergasted when he saw me but most of all, I'm sure he's worried about me.




Finding my way back (KOV #4) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu