Her Heartbeat

81 2 0
                                    





**************************





Gabriella Cecelia Rios





Tahimik akong nag hihintay hanggang sa makita na ako ni North, mas lalo akong naiinis sa sarili ko dahil ang dami kong pinag alala kabilang na si Gio at ang iba pa naming kasama dahil hinanap nila akong lahat sa buong hotel. Sa laki at lawak ng lugar? Mabuti nalang marami silang nag hanap kaya hindi masyadong mahirap pero kahit na, mali pa rin ang ginawa ko.






"Mabuti nalang dito ka napadpad, may nasabi ba akong mali kanina? Pasensya na. Kung ano man yon, hindi ko sinasadya". Malumanay na pag hingi ng tawad ni North saakin. Kasama niya si Gio at Eros, si West naman kakarating lang galing sa banyo at bagong ligo siya. Nakikita ko siya kanina sa peripheral view ko pero agad din siyang nawala at pumasok sa kwarto.






"Cece, I'm sorry okay? Don't run away like that ever again, mapapatay ako ni Zoe pati na ng ate Cornellia mo". Pag aalalang aniya ni Gio. Sobrang awkward ng sitwasyon ko ngayon, parang baliktad ata ang nang yayari. Ako ang may kasalanan pero sila tong humihingi ng tawad saakin kahit hindi naman dapat, mali ang ginawa kong pag alis sa event hall tapos kung saan saan ako nag punta.






"Ako dapat ang humingi ng tawad, pinag alala ko kayo. Ayos lang naman ako, pasensya na ulit". Sagot ko sa dalawa. Kalmado lang ang itsura ni Eros, wala siyang kibo at bahagya lamang siyang tumatawa sa gilid habang pinag mamasdan yung dalawa. Ako naman hindi maipaliwanag ang nararamdaman, nahihiya ako sa kanilang lahat. Wala na akong mukhang ihaharap lalo dito sa isang masungit este medyo lang pala.






"Mauuna na siguro ako, masyado na akong nakaka istorbo sainyong lahat. Salamat sa pag tulong saakin". Muli kong sambit. Kinuha ko na ang mga gamit ko, nag sisimula na akong lumakad palayo kaya agad akong sinundan ni Gio. Nanatili lamang si North at Eros sa posisyon nila habang si Mr. Medyo masungit hindi ko na nakita pang muli hanggang sa maka labas kaming dalawa sa kwartong iyon.








Kapwa kami tahimik ni Gio habang hinahatid niya ako papunta sa hotel room namin, marami na daw nainom si ate Zoe kaya tulog na daw siya. Wala ng iistorbo saakin dahil lasing na siya at siguradong kinabukasan na ang gising niya, hindi naman siya nag kakamali dahil talagang masarap at mahimbinh na ang tulog niya. Nandoon din ang boyfriend niya pero tulog na rin ito sa sofa, hindi sila magka tabi sa higaan.








"Mag pahinga ka na Cece, alam kong pagod ka na rin". Maiksi niyang paalala. Matipid akong ngumiti sa kaniya, nahiga ako sa kabilang kama dahil doon talaga ang pwesto ko. Parang nabugbog ang buong katawan ko, buong mag hapon akong palakad lakad. Nag bubuhat ng mga mabibigat, nag aassist ng mga taong naligaw at nag suot ng high heels.







Hindi nag tagal si Gio sa kwarto namin, ako naman? Naka pikit at handa ng managinip. Malapit na akong maka tulog ng malalim pero sa isang iglap bigla akong nagising dahil may naramdaman akong kakaiba, nag panggap akong natutulog para masigurado at hindi ako nag kakamali. May humahawak sa mga binti ko, bahagya akong gumalaw para maalarma siya ngunit baliwala ang ginawa ko kaya gumising ako at tumayo.








"A-Ano p-pong ginagawa n-niyo?". Natatakot kong tanong sa kaniya. Mas nakaka takot ang ngiti niya dahil halata mong may binabalak siyang hindi maganda, humanap ako ng kahit na anong bagay na malapit saakin na pupwede kong gamiting pang depensa laban sa kaniya pero wala akong makita.







"Manahimik ka nalang, baka magising si Zoe. Sandali lang to, hindi ko rin sasabihin kahit kanino". Tugon niya saakin. Tila lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya, agad akong nag mamadaling tumakbo palabas ng kwarto pero dahil matangkad siya, agad niya din akong naabutan. Mas malakas siya saakin kaya ang tanging nagawa ko lang ay ang mag pumiglas at sumigaw ng malakas, sinusubukan kong tawagin si ate Zoe pero baliwala.







Finding my way back (KOV #4) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora