Burn So Bright

40 1 0
                                    





**************************



West Mitchell Collins



Nag-simula nang ihampas ni Trinity sa kanila ang latigo na gawa sa totoong buntot ng pagi, walang emosyon niyang paulit-ulit na hinahampas ang mga sinsikato. Nag-sisigawan na silang lahat dahil sa sobrang sakit 'non, dagdag pa ang natamo nila sa kamao ni Kapitan Light Kanina.






Nakaka-ilang hampas na si Trinity sa kanilang lahat, sa huli ay nag-pasya na rin ang isa sa kanila na mag-salita kaya tumigil si Trinity para pakinggan ang mga na is niyang sabihin.






"San...dali!! Sa...sabihin k....o na!!". Sambit ng lalaking naka-pwesto sa kaliwa.






"Sira ka ba?! Papatayin tayo ng mga 'yon kapag kumanta tayo!!". Galit na tugon ng lalaking nasa gitna. Napansin kong napa-ismid si Thor dahil sa sinabi ng lalaking iyon.






Hindi siguro naisip ng mga sindikato na ito na maaari rin silang mamatay kung nandito sila sa puder ng Cielo, ano namang pinag-kaiba kung sino ang tatapos sa buhay nilang tatlo?






Mas maswerte pa nga silang maituturing dahil kung dito na matatapos ang buhay nila, may malaking tyansa na mag-karoon silang tatlo ng maayos na burol at libing samantalang malabo naman nilang matamasa ang mga ganiyang bagay kung kasama nila ang mga tunay nilang kasamahan.






Kung ang tunay na amo nila ang kasama nila ngayon, sigurado akong basta na lang sila itatapon 'non sa isang gilid o hindi kaya ay sa karagatan kung saan walang makakakita ng bangkay nilang lahat. Iyon ba talaga ang gusto nila? Pero kung iyon nga ay wala na kaming magagawa pero nasisigurado ko na hinding-hindi na sila makakalabas dito.







Tumaas ang isang kilay ni Trinity habang naka-harap siya sa kanilang dalawa, abala siyang pinakikinggan ang pag-tatalo ng mga sindikato sa harapan niya. Nagulat ang dalawang nag-tatalong mga sindikato dahil biglang tumawa ang lalaking nasa kanang pwesto, sabay nilang inilipat ang atensyon nila sa mala-demonyong tawa ng kasamahan nila.







"Mamamatay rin naman tayo, ano pang silbi ng pag-tatago natin sa sekreto ng mga gagong 'yon?". Tanong niya sa mga kasama niya. Hindi naka-sagot ang dalawang kapwa niya sa tanong na iyon kaya parehas na lang silang nanahimik.





"Hindi namin kilala ang lider nila pero sigurado akong kasapi nila ang mga Madrigal. Kung binabalak ninyong lusubin sila, makakapasok lang kayo ng mabililisan. Isang pamamaraan lang ang dapat niyong gawin at iyon ay kailangan niyong gamitin ang anak ng pinuno nila". Walang pag-aalinlangang sambit ng isang lalaki sa'min.






Ni hindi nga namin kilala kung sino ang mga iyon, kaya papaano namin magagamit ang anak ng pinupo ng mga sindikato??






"Camilla Santiago ang pangalan nung babae, dati ko siyang kasintahan at kilalang-kilala ko siya. Madali niyo lang siyang magagamit dahil ganon din ang ginawa ko". Dagdag niya pa sa mga naunang impormasyon na sinabi niya sa'min. Si Camilla Santiago, ang babaeng baliw na baliw kay Thor. Tama nga talaga si Primo tungkol sa kaniya.






Nakita kong nag-tama ang tingin ni Eros saka Thor, mukhang parehas sila ng iniisip sa mga oras na ito. Muling nagalit ang lalaking nasa gitna, tinatanong niya kung sa tingin ba daw ng kasamahan niya ay bubuhayin pa namin sila matapos niyang mag-bigay ng mahalagang impormasyon sa'min.





"Mabubuhay kayo dahil sa impormasyon niyang binigay, kaya mag-pasalamat kayo sa kaniya na hindi kayo pag-lalamayan ngayon din mismo". Sagot ni Primo sa lalaking iyon.






Finding my way back (KOV #4) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora