What We All Need Is Someone To Stay

39 1 0
                                    




**************************



Gabriella Cecelia Rios



"Aray! This was all Reidly's idea!! Bakit kami ang binubugbog ninyong lahat?!". Protesta ni Jared. Sinikmuraan pa siya ni AL dahil sumagot pa siya. Hindi namin alam kung papaano makiki-alam dahil kasalanan naman nila kung bakit nagagalit sina ate Trinity, ate Riane, Avi, Psyche saka Dawn.




May mali si West at ang buong Kings Of Valentine, isama mo pa si Kuya Reidly, North saka Primo na naki-sali rin sa trip ng mga 'to. Ngayon, pare-parehas tuloy silang pinaulanan ng sapok, suntok saka kurot.





Hinahayaan ko na lang sila na gawin ang gusto nila sa mga pasaway na lalaki dahil hindi rin naman 'to matatapos kung ipag-tatanggol ko si West o ang kahit sino sa kanilang lahat na kasali sa pag-pa-plano netong kaganapan na 'to kung saan nandito kaming lahat ngayon.




"Saan ba kayo nag-punta ha? Hindi niyo man lang kami I Iwan ng makakain! Kaya lahat kami kumain ng biscuit na malapit ng ma-expire". Reklamo ng panganay na kapatid ni Jared.





Sino nga naman ba kaseng hindi matutuwa? Kahit naman ako magagalit eh, bakit kase hindi sila nag-iwan ng makakain? Kahit man lang sana tinapay o cake na mumurahin pero maalala ko nga pala na wala 'non dito, walang malapit na bilihan dito kaya dapat talaga ay bibili ka ng maramihan dahil kapag naubusan? Saan ka hahanap ng ganon sa paligid?




Iba pa naman ang sikmura ng mayayaman kumpara sa mahirap o sa mga sanay sa hirap katulad ko, yung panunaw nila ay sensitibo kaya hindi dapat sila kumakain ng mga pag-kain na malapit na ang expiration date.




Ipinaliwanag ni North kung bakit nawala sila, bumili lang pala sila ng mga makakain para sa loob ng isang linggo. Ngayon alam ko na kung bakit one week ang absent leave na gustong ipa-file ni West sa'kin, dahil pala 'yon sa okasyon na 'to.






"Bakit kami lang ang binugbog ninyo?! Dapat kasali rin sila!!". Reklamo muli ni Jared.




Tinaasan ni Dawn ng isang kilay si Primo, alam kong mag-kapatid silang dalawa. Halatang-halata naman sa itsura nila na related sila sa isa't isa saka sinabi na rin ni West at Primo sa'kin ang tungkol sa kaniya noon, naalala ko pa ang mga sinabi nila kaya hindi na ako nag-ta-taka ngayon.





"Kung bumili lang naman kayo ng mga pag-kain, bakit ang tagal ninyong naka-balik? Ano? Nag-punta pa kayo sa Pandora?!". Medyo iritadong tanong ni ate Riane sa kanila.





"Mahaba 'yung pila sa grocery-han! Ikaw kaya pumila tapos mag-hintay para malaman mo!". Sagot ni Jared sa kapatid niya.





Pero ang totoo ay nag-punta kami sa hotel kase sinundo namin si AL saka Jared, hindi nila masabi ang totoo dahil siguradong makakatikim nanaman silang pito. Maalala ko lang na monthsary ni Jared at AL kahapon, isa siguro 'yon sa dahilan kung bakit umalis sila.





Sandali pa silang nag-biruan dahil sa sobrang gutom ay muntikan na daw makipag-agawan si Aurora ng keso sa isang daga, halatang-halata na hindi maka-tawa si Primo at Thor dahil malalagot sila parehas. Sinong mag-liligtas sa kanila kung si Dawn na ang kalaban nila?





"Anyway, who are these pretty ladies?". Tanong ni ate Riane.





Unang ipinakilala ni Jared si AL, sinabi niya ang buong pangalan at palayaw ni AL dahil wala naman siyang problema tungkol doon. Maganda naman ang meaning ng pangalan ni AL kaya hindi niya kailangang mahiya, kamusta naman ang sa'kin diba?




Finding my way back (KOV #4) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum