Something Unwanted

40 1 0
                                    




**************************



Gabriella Cecelia Rios




Ano'ng nang yayari? B-Bakit parang ang dilim? N-Nasaan ako?






Psyche? Lauren? N-Nasaan kayong dalawa? B-Bakit hindi ako maka-galaw?





Nang tuluyang magising ang diwa ko matapos kong marinig ang malakas na sigaw ni Psyche, agad kong iminuulat ang mga mata ko. Nadatnan kong ganito na ang kalagayan namin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot at labis na kaba sa dibdib ko dahil wala akong ideya kung nasaan kaming tatlo nila Psyche saka Lauren. Medyo madilim ang buong paligid at halos wala na akong makita dahil maliit lamang ang ilaw.






Nakita kong nandito rin si Skylar Madrigal, isa siya sa mga batchmates ni Kuya Reidly, Primo, Ate Trinity saka Ate Riane. He's aura is not the same as before. Pakiramdam ko ay mayroong mali sa ikinikilos niya pero parang talagang ganito na siya noon pa man. Hindi rin ako sigurado.






Masama ang tingin ni Psyche kay Skylar, ano'ng nang yayari? Bakit nandito kaming tatlo ngayon? P-Papaano kami napunta sa lugar na 'to?





Nagulantang ako dahil biglang lumapit si Lauren sa direksyon ko, seryoso lamang ang ekspresyon niya ngayon tapos itinago niya ako sa likuran niya. Hindi lang kami ni Psyche, Lauren, at Skylar ang nandito, may mga lalaki pa na naka-suot ng maskara kaya hindi ko nakikita ang mga mukha nila. Ano bang nang yayari?! Nasaan kami?! Paano kami napunta dito?!!






Kasalukuyang nag-tatalo sina Skylar at Psyche, may hawak na baril si Skylar kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi napansin ni Lauren ang naging reaksyon ko dahil hindi niya rin inaalis ang tingin niya sa dalawa, taimtim niyang pinag-mamasdan sina Psyche at Skylar habang kapwa sila nag-sisigawan.





Mukhang nag-uusap sina Psyche at Skylar tungkol sa nakaraan nilang dalawa, hindi ko alam ang buong kwento tungkol doon pero nabanggit na iyon ni West sa'kin noon. Tulad nang sinabi ni West sa'kin noon, si Skylar daw ang pumaslang at gumahasa sa kaibigan ni Psyche.





Suicide talaga ang cause of death pero depression ang nag-tulak sa kaibigan ni Psyche kaya siya nag-pakamatay, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ni Psyche ang mga nang yari noon dahil mahalaga para sa kaniya ang taong 'yon. Alam ni West pati ni North kung gaano ka-sakit 'yon para sa kaniya.






Nabalitaan ko rin na tinaboy si Psyche sa mismong burol ng sarili niyang kaibigan dahil galit na galit ang ina nito sa kaniya, siya ang sinisisi sa pag-kawala ng kaibigan niya kahit wala naman siyang kinalaman doon at mas lalong hindi niya rin ginusto ang nang yari. Mas lalong nagalit si Psyche sa sarili niya nang malaman niyang ginahasa pala ang kaibigan niya.





Oo, hindi niya nga kasalanan at ginusto ang bagay na iyon pero iniisip niya na kung noon pa lang ay pinag-hiwalay na niya sina Skylar pati na ang kaibigan niya ay hindi na daw tutungtong sa ganitong pang yayari. Siguro maaaring buhay pa ang isa sa mga pinaka-malapit niyang kaibigan, siguro kumpleto pa rin silang lahat kabilang na sina Ate Trinity, Ate Riane, saka Avi.






"You know nothing, Psyche. So don't fucking give me that crap, I'm so sick and tired of hearing that bullshit from you and from everyone else!!". Matigas na sigaw ni Skylar. Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala, pero kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya katulad ni Psyche.






"I-If y-you're not a bad p-person then l-let us go". I uttered. Sinubukan kong huwag mautal habang nag-sasalita pero hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon, natatakot talaga ako sa mga oras na 'to...





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon