The Sun's Arrival

47 1 0
                                    


*1 week later

**************************

Gabriella Cecelia Rios



Hindi ko inaasahang magiging mabait sa'kin si West habang nasa loob kami ng St. Valentine, sa totoo lang? Akala ko talaga ay cold-hearted at pasaway din siya katulad ng iba niyang mga kaibigan pero mali ako. Siya ang pinaka-tahimik, halos hindi kimikibo at akala mo patay sa kanilang apat na miyembro ng Kings Of Valentine.




Buong linggo niya akong inaalalayan, binibisita sa classroom ko tapos minsan sinasabayan niya rin akong kumain. Hindi ko gusto na ginagawa niya ang mga bagay na iyon dahil maaari akong mag-karoon ng maling akala, sa huli? Ako naman ang masasaktan at mahihirapan. Hindi niya ba naiisip yon?





Sa tuwing nasa Villa Amore naman ako habang nag-ta-trabaho bilang waitress, palagi niya akong ipinapatawag kahit wala naman talaga siyang kailangan sa'kin o hindi kaya'y gagawa siya ng paraan katulad na lamang na mag-papakuha siya ng orange juice, kape na mayroong creamer kahit black coffee ang iniinom niya o kahit na anong klase ng pag-kain tapos ang ending?




Ako rin naman ang kakain non para sa kaniya...





May isang beses kase na sinabihan ko siya na huwag mag-tapon ng pag-kain dahil totoo namang maraming tao sa labas na hindi nakaka-kain ng mga masasarap na pag-kain katulad niya, gutom na rin ako non kaya sinabi ko na ako na lang ang kakain para hindi na kailangang itapon sa basurahan.





Hindi naman siya nag-reklamo, hindi rin naman siya nagalit at natuwa pa ng todo kaya mag-mula non ay palagi na niyang ginagawa. Medyo nag-si-sisi tuloy ako na ginawa ko ang bagay na iyon, sa tuwing lalabas ako ng opisina niya ay para akong bloated dahil sa sobrang kabusugan. Mabilis pa naman ang metabolism ng katawan ko pero kahit na!




Hindi niya ako papalabasin hangga't hindi ubos ang nasa platong nasa harapan namin, at tuwang-tuwa pa siya habang pinapanood akong kumain!




Hindi ko alam kung bakit, hindi ko na siya naiintindihan pero sana itigil na niya yung pag-arte ng ganito dahil kaunti na lang talaga ay sasabog na ang dibdib ko. Sa maiksing panahon na nakilala ko siya, hindi naman pala mahirap mahulog sa isang tao lalo na kung araw-araw ka ba naman niyang pahahalagahan.






Oo, sinabi ko na ayoko sa mga mayayaman dahil isa sila sa dahilan kung bakit kung ano-anong akusasyon ang binabato ng mga tao tungkol sa pamilya namin pero ano na ang gagawin ko? Hindi ko na rin alam, hirap na hirap na akong itago ang totoo. Gusto ko na siya, gustong-gusto ko na ang boss kong mukhang nag-lalakad na zombie sa hallway ng St. Valentine.





Hindi ko muna sinasabi sa kahit na kanino, natatakot akong kumalat ang sekreto na iyon. Gusto ko lang naman na makapag-tapos, makahanap ng matinong trabaho, masigurado na makakatapos si Candice at maiahon ang buong pamilya ko mula sa kahirapan.




Hindi ko na lang muna iintindihin ang nararamdaman ko para sa kaniya, mawawala din naman siguro 'to kapag hindi ko na pinansin at hinayaan ko na lamang. Isa pa, mag-sasawa rin yan si West sa pang gugulo sa'kin. Narinig ko mula sa isa sa mga kaklase ko na may soon-to-be fiance na siya.




Kapag inanunsyo na ang kasal nila, siguradong titigil na rin siya sa pagiging mabait at sigurado rin ako na hindi na niya ako papansinin ulit kaya hahayaan ko na lang muna siyang gawin ang gusto niya. Kung balak niya akong pakainin nang pakainin ay wala namang problema, mas pabor pa nga sa'kin ang bagay na iyon dahil makakatipid ako.




Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now