Wrong Path

47 2 0
                                    


A/N: Short chapter ahead, happy reading!!


**************************


Gabriella Cecelia Rios


Maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya ginaganahan akong pumasok ng maaga, mabuti na nga lang at hanggang ngayon ay tulog pa rin si AL kaya lang? Hindi pa siya kumakain ng hapunan. Nag-luto naman na ako, inilagay ko na lang sa ref tapos nag-bilin ako kay ate Tintin na kapag nagising si AL ay ituro niya na lang yung ulam na niluto ko. Marami naman yon kaya pwede silang maki-hati.




Wala namang ibang dahilan kung bakit gusto kong pumasok ng maaga, parang iyon lang kase talaga ang magandang gawin ngayon kaya susundan ko ang nasa puso at isipan ko. Iyon naman ang tamang gawin diba?




Kanina pa ako tapos mag-ayos ng sarili ko, tapos na rin ako mag-pa alam kina ate Tintin pati na sa iba pa naming mga kasama sa dorm at kasalukuyan na akong nag-lalakad papunta sa sakayan. Siguro naman ay hindi ko na makakasalubong si Reiner dahil tapos na ang parusa sa kaniya, sana nga lang ay natuto na siya ngayon dahil kung ako ang magulang niya? Patay talaga siya sa'kin!




"Miss! Isa na lang! Aalis na!!". Sigaw nung lalaking kondoktor.




Nang marinig ko iyon, agad akong tumakbo para hindi ako maiwan. Ayoko nang mag-hintay ng ilang minuto para lang makasakay, pag-pasok ko sa loob ng bus ay nagulat ako dahil nandoon si Reiner saka Curtis sa harapan. Kapwa sila natutulog sa balikat ng isa't isa, mukhang pagod ata ang dalawa pero bakit parehas na silang nandito ngayon?




Paalis na sana ang bus kaso may buntis na pumara, kahit masikip na at wala na ring space ay pinapasok pa rin siya. Gusto ko sanang umupo pero mas pinili kong mag-paraya dahil mas kailangan niya iyon, buntis siya habang ako naman ay hindi. Nakapag-pahinga naman ako ng maayos kanina, hindi ako pagod o inaantok kaya walang problema!!




Habang nasa byahe, naalimpungatan ata si Reiner at Curtis.




Napag-tanto nila na umaandar na yung bus habang sila ay ang sarap pa rin ng tulog, tumulo na nga ang laway ni Curtis pero hindi naman ata napansin ni Reiner ang bagay na iyon. Nakita rin nila ako kaagad, hindi nag-dalawang isip na tumayo si Reiner para ako naman ang umupo sa pwesto niya.




"Did I snore?". Tanong ni Reiner.



"Ha? Medyo, hindi naman masyadong maingay". I honestly replied because he really did snore a bit.





"Inaantok pa ako, mag-patulog muna kayo pwede?". Sabat ni Curtis sa usapan namin sabay biglang pumikit at natulog ulit.





"Bakit dalawa na kayong nandito?". Tanong ko kay Reiner.





"Today is my last day of being grounded, him? It's his first day today so I'll have to teach him before I got my car back". Sagot niya naman sa'kin habang bahagya pang tumatawa.





"Alam niyo mga pasaway talaga kayo, hindi naman mahirap sumunod sa gusto ng mga magulang ninyo. Ang swerte niyo nga kase meron kayo niyan". Medyo malungkot kong sambit.




"Why? Where are your parents?". He asked.




"Yung papa namin, hindi na namin siya muling nakita. Bata pa lang ako nung huli ko siyang nakasama kaya hindi ko na siya masyadong maalala, si mama naman? W-Wala na siya". Paliwanag ko sa kaniya para naman matauhan siya kahit kaunti lang.




Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now