Love Like Unhealed Scars

44 2 0
                                    


* 2 years later...

**************************

Gabriella Cecelia Rios


The best love story is when you fall in love with the most unexpected at the most unexpected time, my heart has waited to long to be loved by someone like West. Yes! He and I are finally official after everything that we had been through. He's my serendipity. I wasn't looking for him, I wasn't expecting him either but I'm very lucky that I met West.




West is not the type of guy that would feel ashamed to be with someone like me, he doesn't even want to be around those people who want me gone in his life. I also knew that North and him fought a lot of times because of me but despite those things? I don't want to go elsewhere, I just wanted to be with West.





"When someone special enters your life unexpectedly, don't let them go. They're probably brought into your life for a reason".





Those words came from tita Carmine once, somehow I felt like those words were always meant for me so I never forgot about it. Not even once, and it turns out that she might be right about what she said.





Marami ng pinag-daanan si West sa buhay niya at sa bawat masaya, malungkot, pag-hi-hirap at mga sakit na dinanas niya ay nandoon ako para damayan siya sa lahat ng iyon.





Ni minsan hindi ko naisipang umalis dahil lang sa hindi niya kayang alagaan ang sarili niya o dahil hindi niya kayang kontrolin yung galit niya sa tuwing may bagay na talaga namang kahit sino ay ika-gagalit.






Minsan delekadong nagagalit si West dahil parang unti mong ako ay hindi na niya nakikilala, hindi niya naman ako sinasaktan pero imbis na ibang tao ay sarili niya na lang. Hindi ko gusto na ginagawa niya yon lalo na sa sarili niya, paano kung mamatay siya? O kung ano yung mang-yari sa kaniya? Paano naman ako?





Hindi niya ba naiisip na maaari niya akong maiwan mag-isa?





Alam ko lahat ng problema at hinanakit niya sa buhay pero hindi naman solusyon doon yung sasaktan niya yung sarili niya para lang mailabas niya yung galit at sama ng loob na nararamdaman niya, kaya nga ako nasa tabi niya diba?





Gusto ko siyang damayan, gusto kong iparamdam sa kaniya na kahit na ano'ng mang yari ay hindi ako mawawala. Kahit wala ng naniniwala sa kaniya at kahit ayaw na sa kaniya ng buong mundo ay tatanggapin ko siya ng buong-buo, handa akong ibigay ang lahat-lahat para sa kaniya.





Hindi man ako mayaman, hindi ko man siya maibibili ng mga materyal na bagay pero ibibigay ko sa kaniya ng buong-buo ang pag-ma-mahal at pangakong magiging matapat ako sa kaniya habang buhay.





Sa loob ng dalawang taon, marami na rin ang nag-bago sa mga taong naka-paligid sa'min at kabilang na doon si Psyche saka Eros na kapwa sandaling lumayo para mag-sama. Makalipas ang walong buwan, muli silang lumitaw pero kasabay non ang pag-kamatay ni Ma'am Valentina. Siya ang chairwoman at founder ng scholarship namin sa St. Valentine.





Naba-bangit ko rin naman kay AL ang mga tungkol sa sinasabi ni West sa'kin, kaunting detalye lang naman ang nasasabi ko dahil masyado rin namang mabigat para sa'kin ang mag-dala ng mga sekreto kaya inilalabas ko sa kaniya para mabawasan yung bigat ng dinadala ko kahit kaunti.




Wala pa rin namang nag-bago hanggang ngayon. Scholar pa rin ako dahil nagawa ko namang panatiliin na matataas ang mga scores ko sa exams, quizzes, suprirse recitation, reports, thesis at mga assignments.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon