A Tale Of Two Brothers

26 1 0
                                    



A/N: This is a bonus chapter part two!! 



**************************


Psyche Valentine Collins



Sabay-sabay lang kaming nakarating sa mansyon ng mag-kapatid, wala sa sarili si West at ayaw niya pa rin pakinggan ang mga kaibigan niya. Kausap ko si Thorin kanina sa telepono habang si Jared ang driver nila, may sariling sasakyan si North kaya hindi siya sumabay sa tatlo at mabuti na rin 'yon dahil siguradong sa loob naman sila ng sasakyan mag-sa-sabong.




Hindi ko alam kung ano'ng ginawa ni Thorin at Jared kay West pero ngayon ay kasalukuyan nang natutulog ang pinsan ko, isang oras na ang nakakalipas mula noong dumating kaming apat dito sa mansyon. Wala pa si Kuya Reidly, nakausap ko na rin siya kanina at sinabi niya sa'kin na pupunta daw siya dito pag-tapos nang ginagawa niya. Ang tanong, hanggang ano'ng oras 'yon?






Hindi lang naman si West ang kailangan namin awatin, mainit din ang ulo ni North ngayon habang si Jared at Thorin naman ay kapwa nag-pi-pigil lamang dahil katulad ko ay labas din sila sa issue na 'to. Kung ano man ang nakita namin kanina, dapat muna itong manatili sa'min dahil hindi rin maganda na ipag-sasabi pa namin ang bagay na 'to sa iba.







Hindi naman ibang tao sina Trinity, Riane, Dawn, Primo at ang iba pang hindi ko binanggit pero mas maganda kung kay West o Cece mismo mang gagaling ang kwento, at least hindi nila kami pag-bibintangan na nag-dagdag o nag-bawas sa nakita namin. Isa pa, ayoko rin talagang makialam dahil sa pagitan 'to ng mag-karelasyon.





Mga kaibigan o kamag-anak lang kami, wala kaming karapatang mang husga o kahit na ano pang maaaring makaapekto sa nang yayari. Kung mananahimik kaming mga nakakaalam, edi walang gulong mang yayari. Ganon lang naman ka-simple ang dapat namin gawin, ititikom lang namin ang mga bibig namin. Kapag may ibang naka-alam nito, baka mag-karoon ng kampihan.






Pinsan ko si West at kaibigan ko naman si Cece, hindi ko kayang mamili sa kanilang dalawa. Ayoko rin na kailangang mamili ni Thorin, Jared o ni Eros kung si West ba o si Cece ang papanigan nila dahil sa nang yari. Kitang-kita ng mga mata namin kung ano'ng nang yari, hindi malabong magagalit silang lahat kay West tapos si Cece ang papanigan nila dahil siya naman talaga ang biktima dito at hindi ang pinsan ko.






I mean, c'mon! Kahit ako nag-ta-taka kung bakit humalik pabalik si West kay Katlaine?




I know West more than anyone else, he and I along with North and Kuya Reidly grew up together. All of us had known each other for such a long time, West would never ever cheat on Cecelia because I knew how much he loved her.





He's willing to give up everything, he even told me once na aalis siya sa mansyon nila at iiwan niya ang kayamanan na mamanahin niya kung sakaling tututol si Tita Melissa sa relasyon nilang dalawa but luckily, Tita Melissa agreed with their relationship. Tita actually liked Cecelia for West, nag-bago kase si West mula noong nag-simula ang relasyon nila.







He's smiling more often, hindi na siya parang patay na bigla na lang nabuhay tapos umalis sa kabaong niya. I was thrilled and I almost jumped out of joy when I found out that he's already in a relationship with someone whom he truly loved, as his cousin? I'm really proud of him for finally growing up and finding himself a wonderful woman.






But this puzzle doesn't fit, ang gulo ng nang yari kanina!







Bago 'yung nakita namin, what exactly happened?







Finding my way back (KOV #4) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin