Unknown Lover

28 1 0
                                    




**************************



Gabriella Cecelia Rios



Tatlong beses kong kailangang para makarating sa tinutuluyan ng mga Lolo at Lola ko, sila ang mga magulang ni Papa. Sa Maynila na sila nakatira dahil nandito daw kami sa Pilipinas saka nandoon din kase ang business nila kaya maaari ko silang puntahan o lapitan kapag kailangan ko sila, o kahit kapag gusto ko lang talaga silang bisitahin.






Hinatid lang ako ng taxi hanggang sa sakayan ng mga bus dahil hindi pala sa kaniyang sasakyan ang gamit niya, siya lamang ang nag-drive ngayong araw dahil may sakit ang kapatid niya na siyang tunay na nag-ma-may ari ng sasakyan. Dahil hindi na niya ako maihahatid, siya na lamang ang nag-bayad ng pamasahe ko sa bus tapos kalahati na lang ang binayad ko para sa pamasahe ko dahil sumakay ako sa taxi niya.






Kailangan ko ng makakasama ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo, siya na nga lang ang kinakapitan ko tapos gagawin niya 'to sa'kin?! Bakit?! Ano bang ginawa kong mali?!





Dahil ba wala akong pera?





Dahil ba mas maganda siya?





Dahil ba malapit sila sa isa't isa?!





Ano'ng dahilan?! Bakit niya ako n-niloko?





Hindi niya pwedeng sabihin sa'kin na mali ang nakita ko dahil kahit nasa malayo ako ay kitang-kita ng dalawang mata ko kung papaano niya hinalikan ang labi ni Katlaine, 'yon ba 'yung mali? akala niya ako si Katlaine? Bakit? Mayaman din ba ako? May sarili din ba akong kumpanya katulad niya? Wala naman diba?!





Kaya sa papaanong paraan ang ibig sabihin niya nang sabihin niyang akala niya ay ako si Katlaine kaya siya humalik pabalik?





Gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit binaliwala ko lang ang mga nakikita ko mula pa noon. Bakit ko nga ba hindi pinansin ang kilos ni Katlaine at ni West noong nakaramdam na ako na mayroong mali at parang may nagaganap na hindi tama sa pagitan nila? tama ba na bigla na lang akong umalis dahil ayoko ng masaktan?





Hindi lang naman si Katlaine ang sumubok na manira sa relasyon namin ni West dahil may nauna pa sa kaniya pero sa kanilang lahat, bakit si Katlaine pa? Pati bakit ngayon pa?





Ang tagal na namin mag-kasama!!





Malapit na kaming mag-celebrate ng Wedding Anniversary, sa susunod na linggo na nga 'yon eh pero ano'ng ginawa niya? Ano'ng binigay niyang regalo sa'kin??





Hindi ko matanggap na nagawa akong lokohin ni West..





Parang hindi siya ang West na nakilala ko, parang hindi siya ang West na minahal at hinayaan kong manligaw sa'kin noon at parang hindi siya ang West na nag-dala sa'kin sa simbahan at kasama kong sumumpa sa harap ng Diyos na habang buhay namin aalagaan, mamahalin at pangangalagaan ang isa't isa.




Nasaan na ang West na nangakong mamahalin at iingatan niya ako habang buhay?





Mukhang nag-laho na ata siya, tuluyan na niyang nakalimutan ang mga pangakong binitawan niya sa'kin para kay Katlaine. Hindi ko naman siya pipigilang umalis kung 'yon ang kagustuhan pero sana hindi sa ganitong paraan niya sinabi sa'kin, ang ginawa nila sa harapan ko kanina ay hindi katangap-tanggap at hindi tama dahil hindi ko naman ikukulong si West sa relasyon namin kung ayaw na niya!





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon