Scared Of Something Inevitable

40 1 0
                                    




**************************



Gabriella Cecelia Rios



Matapos mag-usap ni West pati ni Ram, nag-patuloy na rin kami dahil kailangan ko pang ayusin ang mga dadalhin kong gamit para bukas.





Ayaw naman namin maabutan ng traffic sa daan kaya nag-pasya siyang mag-madali ng kaunti sa pag-mamaneho para mas mapabilis daw kami. Sinabi ko naman sa kaniya na maaga pa kaya huwag siyang makipag-karera sa ibang mga sasakyan.





Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya, medyo inaantok na rin ako dahil sa sobrang pagod at puyat kaya umidlip muna ako. I'm sure he wouldn't mind letting me rest up for a while, medyo malayo pa naman kami sa dorm kaya maya-maya na lang ako gigising kapag nakarating na kaming dalawa sa pupuntahan namin.





Hindi ko alam kung kausap ko lang ba ang sarili ko ngayon o panaginip lang ang lahat ng nang yayari, pero nakikita ko ang sarili ko sa harapan ng isang salamin.





Wala akong ideya kung ano'ng ginagawa ko rito pero mula sa malayo, nakikita ko doon si West. Sugatan, puro dugo ang buong katawan niya tapos walang tigil sa pag-agos palabas ang dugo niya mula sa dibdib.





I tried calling his name but he suddenly fell down on the ground while bathing in his own blood, gusto kong puntahan siya pero hindi ako maka-alis. Nananatiling nakatayo ang mga paa ko sa harapan ng isang malaking salamin, patuloy na tumutulo ang mga luha ko habang tinatawag ko ang pangalan ni West pero wala akong magawa para sa kaniya.





I've never felt so helpless like this before, nakakapang-hina ang itsura niya ngayon. Kung panaginip lang ito, maaari bang gisingin niyo na ako?!





Makalipas lang ang ilang minuto, narinig ko ang boses ni West kaya naalimpungatan ako. Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko, totoo na ito at hindi na isang bangungot. Si West ang una kong nakita matapos kong imulat ang mga mata ko at base sa ekspresyon niya, halatang-halata na nag-aalala siya sa'kin ngayon.





"Hey? Are you okay? What's wrong?". He asked.






"I just had a bad dream about you". I answered straightforward.





He leaned a little closer to kissed my forehead. "Shhh, it's just a bad dream okay? Whatever you had dreamt about me just now, it won't come true". He assured me.





"W-West? C-Can I ask something?". I asked him.





"Are you still an Agent?". I didn't hesitate to ask.




I knew I just had to know the truth. Gusto kong malaman kung ipinag-papatuloy niya pa rin ba ang pag-sama sa mga delekadong misyon na maaaring maging resulta ng isang hindi magandang pang yayari. Ayoko siyang mawala sa'kin, at 'yung napanaginipan ko ay maaaring mag-katotoo!





Hindi naman ako masyadong mahilig makinig sa mga pamahiin pero natatakot ako, paano kung pahiwatig na pala 'yon?




Baka isang araw, bigla na lang akong magising tapos mababalitaan ko na mayroong nang yari sa kaniya. Hindi ko kakayanin, iyon ang magiging sanhi ng pag-kamatay ng puso pati na ng kaluluwa ko.





"Love, listen to me okay? Nothing is gonna happen to me, I'll always stay safe and come back to you". He didn't answer my question properly. He just said something else but I'm sure that he avoided that question because he couldn't tell me the truth.






Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now