Prologue

342 8 0
                                    

Prologue


Agad kong naramdaman ang kagustuhang magsuka. Dali dali akong bumangon sa kama kahit pa hindi pa ako tuluyang nagigising. Nahirapan ako sa pagtakbo patungo sa banyo dahil sa kadiliman ng silid. Mabuti na lamang at kabisado ko na ang daan patungo roon.


Pagkarating sa pinto ng banyo ay agad kong binuksan ang ilaw, bukas naman ang pinto kung kaya't diretso ang pagpasok ko. Tinungo ko ang lababo at doon tuloy tuloy nagsuka. Ang kaunting natitira sa kinain naming dinner kagabi ang naisuka ko. Hangga't hindi naramdaman ng tiyan ko na wala na siyang maisusuka, hindi ako natigil sa pagduwal.


Naghihilamos na ako nang biglang sumulpot sa likuran ko si Clade, halatang nalingat. He looks calm, but I can see through him that he is worried. He held my waist through the silky texture of the robe I'm wearing.


"What's wrong?" He asked while looking at me through the mirror.


Umiling ako. Pinatapos ko muna ang mabilis kong pagsisipilyo bago siya in-entertain sa kanyang mga tanong.


"Are you sick?"


"No. I suddenly felt nauseuous for some reason... Actually, since last night I'm feeling nauseous. Maybe because of the food."


Nasa tabi na kami ng kama kung saan nakasindi ang lampshade sa side niya. Sinulyapan ko ang orasan at nakitang 2:29 AM pa lamang. Halos dalawang oras pa lang ang tulog namin. Nang bumaling ako sa kanya, kita ko ang pagkunot ng noo niya.


Akala ko makukuha na niya ang ibig kong sabihin. Ngayon pa lang, mukhang alam ko na kung bakit ako nagsusuka ng ganito. Isang taon ba naman kaming mag-isa rito sa Italy... Ano bang aasahan ko, hindi ba?


"The food last night has no peanuts... and as far as I know, you are not allergic to anything else aside from the peanuts. Besides, you'll not vomit if that's the case, you'll run out of breath instead..." kumbinsidong saad niya.


Marahan akong tumango, urging him to take a guess for the right answer. Akala ko talaga kuhang kuha na niya ang sitwasyon nang magtagal ang seryosong mukha niya habang nag-iisip.


"So, I guess you just had an upset stomach?"


No, Clade... I'm having an upset mood right now because of you! Napakaslow naman ng lalaking ito. Gusto ko sana siyang barahin at sabihing malamang ay buntis ako kaya bigla na lang ako nagsusuka ng ganito. Ngunit naisip ko na magandang sorpresahin ko siya tungkol rito lalo pa't mukha talaga siyang walang ideya.


"I don't know. Let's go back to sleep," aya ko.


Agad akong pumunta sa pwesto ko at nahiga ng walang pag-aalinlangan. Nanatili naman siyang nakatayo sa gilid ng kama at tahimik akong minamasdan. Ano kayang iniisip nito ngayon? Nahuhulaan na ba niya ang sagot sa pagsusuka ko?


Hinayaan ko siyang nakatayo roon. Parang tanga tss. Agad akong nakatulog dahil sa pagod kahit naman wala akong ginawang mabigat. Parang pakiramdam ko mas gusto kong humilata ng buong araw at huwag nang lubayan ang kama. Buntis yata talaga ako. Ganito daw ang mga buntis eh, antukin at nagsusuka.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora