Requiem #12

75 1 0
                                    

Chapter 12

(Proud)


"Ma'am, ang ganda n'yo po talaga!" Paulit ulit na puri sa akin nina Mae at Maria habang tinitingnan ko ang sarili ko sa body mirror.


I'm sporting a red v-neck long gown with a long slit on my left leg. It is also sleeveless and a bit daring to look at. Habang ang make-up ko naman ay soft glam look. And then I had my hair in big curls. I paired this look with my black clutch bag and black heels.


Natawa ako nang maisip na baka iirapan na naman ako ni Clade kapag nakita niya ang suot ko ngayon. Well, at least hindi na malanding tingnan, 'di ba?


Humarap ako sa dalawa at ngumiti. "Thank you. Handa na rin ba ang mga anak ko?"


"Yes, ma'am! Kasama na po ni sir sa baba. Ang ganda at gwapo din pong tingnan!" Humagikgik si Maria. "Ma'am, ngayon pa lang magpapaalam na ako ha? Kapag lumaki na si Clay, payagan n'yo akong ligawan siya! Ang gwapo eh!" Binuntutan iyon ng malakas na tawa.


Natawa naman kaming nakikinig sa kanya.


"Sira ka!" I said after laughing at her remark.


"Ma'am, kahit hindi namin makikita, alam na namin na ikaw ang pinakamaganda doon sa party!" Excited na saad ni Mae.


"Kayo talaga!" Natatawa kong saad habang inaayos ang laman ng aking clutch bag.


"Mae, Maria, tigilan n'yo na ang kakadaldal sa ma'am n'yo! Mali-late na sila niyan." Suway naman ng mayordoma na nakatayo sa may pintuan.


Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng aming kwarto. Pababa sa hagdanan, narinig ko agad ang boses ng aking mga anak sa sala.


"Wow, mama! You look beautiful," komento ni Clay.


I smiled at him. He wears a small maroon tuxedo. His hair is pushed back. He looks handsome and cute at the same time.


"Butifur mama." Bulol na saad ni Carie na naka-black bubble dress up to her knees. It was partnered with black boots. Her hair is in a clean ponytail.


"Thank you, my Clay and Carie," malumanay kong sambit sa kanila nang tuluyang makababa sa hagdanan. I leaned down and kissed them both.


I looked at my husband next. We both match our kids' colors. He's wearing a black tuxedo, the same style with Clay's. He has his a bit long hair in a messy, wet look that made him look hot. How can a man in his 40s look so hot like this?


Ang kaso nga lang, panira ang poker face niyang tingin sa akin.


Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangisi. "Speechless, milyj?"


Nailing siya ng bahagya. "You look great, but I'm annoyed. And you know why."

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon