Requiem #1

198 2 0
                                    

Chapter 1

(Brothers)


Limang minuto na namin hinihintay dumating si Ela at kuya dito sa airport. Kakarating lang namin ngayong umaga, ngunit mainit na agad. Muntikan ko nang makalimutan kung gaano kainit dito sa Pinas. Goodness, we are still wearing our coats from the plane. What an idiot.


"Papa, hot!" Iritableng reklamo ni Carie na karga ni Clade.


"It is, isn't it?" Sagot ni Clade sa kanya bago bumaling sa akin. "This was my reaction when I first arrived in this country."


Natawa ako.


"I'm feeling hot, too," ani Clay na hawak ko sa aking tabi.


Sa harapan namin ang apat na bagahe namin.


"Let's remove your coats first, okay?" Sambit ko.


Tumango sila.


Binitawan ni Clade si Carie sa kanyang harapan, habang lumuhod naman ako sa harapan ni Clay. Kanya kanya kami sa pagtanggal ng makakapal na coat ng aming mga anak.


"There. Better?" Tanong ko kay Clay nang maialis sa katawan niya ang asul na coat.


"Yes, mama," sagot ni Clay.


Kanina ko pa napapansin ang kuryosong paglibot ng kanyang mga mata sa paligid. Tila namamangha siya sa nasa kanyang kapaligiran.


"What are you looking at, baby?" I asked him.


"Those, mama," turo niya sa mga iilang jeep na nakikita namin sa paligid. Isang batalyon ng pamilya ang nakapalibot dito at tila may hinihintay sa loob ng airport. Nandito ata para sundiin ang kanilang mga pamilyang darating.


"Ah. Those are called jeepneys, baby. They are used for transportation, like cabs."


"Really?" Namamanghang aniya habang hindi tinatanggal ang mga mata sa mga jeep. "They look strange."


Natawa ako. "Yes, they do. And, there are different colors of that around the country."


Napatingin siya sa akin gamit ang mga nanlalaking mata. He loves colors and strange-looking things. He likes discovering new things. Kaya ganito siya ka-interesado sa mga bagay na nakikita niya dito na hindi niya pa nakita sa Italy o sa ibang bansang napuntahan namin.


"We also have tricycles here which are also unique and which you've never seen in Italy before. They are like motorcycles with three wheels."


"Really, mama? I wanna see them!"


"Yes, baby. You will see them later."


"You will learn a lot here, buddy. I'm sure you'll love it here," singit ni Clade na karga na ulit si Carie na tulog na ngayon sa kanyang balikat.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon