Requiem #57

84 1 0
                                    

Chapter 57

(Break In)


"Why would we need to stay here?" Nag-aalalang tanong ko habang pinasadahan ng isang beses ang kabuoan ng itim niyang mansyon. Miminsan lang kami kung magpunta rito. At ngayong dinala nila kami rito, kasama ang mga bata, ay nakakaramdam ako ng hindi kaaya-ayang pakiramdam.


Bumuntong-hininga si Clade at marahang hinawakan ang siko ko. Nabasa ko sa mga mata niya ang kapaguran at pag-aalala. Sinulyapan niya ang mga anak namin kasama ang pamilya ni kuya sa may sala. Sinadya ko siyang kausapin nang malayo kami sa kanila dahil gusto kong sabihin niya sa akin ang tunay na sitwasyon.


Muling tumitig sa akin ang malamlam niyang mata. "It's for everyone's safety. This mansion is far safer than our other home in the city itself. This is isolated, so they cannot easily intrude."


"Intrude?!" Bahagyang lumakas ang boses ko. Tumikhim ako at pasimpleng sumulyap sa likuran ko kung saan abala pa din naman ang mga kasama namin. "What do you mean by that? Are they gonna break into our home?"


Mahina siyang tumango. "Rob and Danny tipped us off about their plan on intruding our main home. That's why Valter and I decided to transfer you all here now before they even get to our other mansion."


"So you mean to say that... they are now on their way to our white mansion?"


Muli siyang tumango at pinagmasdan lang ako ng tahimik.


"And that if we were still there... then we would have been endangered again?" Hindi niya nasagot ang mga sinasabi ko. Anyway, it's more like I was saying these things to myself. I can't believe that it's like this again. Una naming naranasan iyon ay kay Valter noon. Ngunit kuha ko kung paano nagawa ni Valter iyon dati. Hindi ko lang inaasahan ngayon na pati sina Graziella at Alessandro ay gagawin iyon.


"Hey, don't worry." Muli akong napatingin kay Clade na mayroon na namang naninigurong titig. "I made sure you're all safe here. Some of my men stayed in our home to guard it against the Loveks' men. I'm sure they would barely enter our gates."


"So we're just gonna stay here and wait for them to get lost?"


He sighed again and slightly bowed his head. My brows furrowed with his reaction. "Not 'we,' Milaya. Only you, our kids, and Keith's family. Keith is staying, along with some other of my men, to watch over you. I don't want to risk leaving you all here without security."


"Wait..." hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit. Parang alam ko na ang gusto niyang sabihin... Ngayong gabi na ba iyon? I know this is inevitable. We already saw it coming, still, I can't help but to have mixed feelings again. "Are you gonna take the Loveks down tonight?"


Hindi nakatakas sa paningin ko ang paninimbang sa kanyang mga mata. Iniisip niya marahil na pipigilan ko siya. To be honest, I wasn't planning to do that. After all, I know that it is what needs to be done and that they won't kill Graziella and Alessandro anyway. Pero sa mismong oras na ito kung saan nagbabanta na naman sa amin ang magkapatid na iyon... pakiramdam ko ay hindi tama ang timing.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now