Requiem #51

116 4 1
                                    

Chapter 51

(Explanation)


I caressed my arms when the night breeze enveloped my body. I couldn't help but to remain standing here at the main door while waiting for them to arrive. It's already been hours, and I'm dying of worry here. Ni wala akong pakialam kung sumasakit na ang mga paa ko sa tagal kong nakatayo rito.


Marami ang mga tao dito sa bahay ngayon. Thanks to the men Alek left us as our guards. Kuya Keith, Ela, and Ken are also here to keep us company. Pero sa kabila ng mga ito, ramdam ko pa rin ang pag-iisa na hindi ko lubos maintindihan. Siguro ay dahil bilang asawa, labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Ako lang ang nakakaintindi sa halo halong emosyong nararamdaman ko. Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa utak ko na nangyari sa kanila ngayon.


"Gusto mo ng kape?" Napalingon ako kay kuya nang bigla na lamang siyang magsalita sa likuran ko.


For sure, pinadala siya ni Ela sa akin ngayon. Kanina pa kasi ako kinukulit noon na pumasok o kumain man lang ng kung ano pero hindi ako nagpatinag. Kaya itong si kuya na ang pinalapit sa akin ngayon.


"Hindi na..." wala sa sariling sagot ko at muling bumaling sa gate.


Narinig ko ang buntong-hininga niya sa tabi ko. Muli akong bumaling sa kanya at nakita siyang nakatingin na rin sa gate ngayon.


"Kapag talagang mahal mo ang isang tao, siguro nga at makakalimutan mo ang lahat ng galit mo sa kanya kapag nalagay sa peligro ang buhay niya..." makahulugang saad niya. Alam kong ako ang pinapatungkulan niya ngunit nanatili akong tahimik. "Tingnan mo nga naman at sa ilang buwan mong galit sa asawa mo, makikita kita ngayon na nakaabang pa sa pagdating niya habang alalang-alala."


I told them the truth about Clade's situation kaya narito sila ngayon. Nagulat din sila at natakot ngunit mas malala ang aking takot ngayon. Alam kong nagpapakatatag lang sila para sa amin ng mga anak ko. I was also surprised that Valter didn't tell Kuya Keith everything. Sa akin lamang nalaman ni kuya kung ano talaga ang nangyayari.


"Natural lang iyon, Kuya." Seryoso kong sagot habang hindi siya tinitingnan.


"Which is a good thing, sa pananaw ko." Seryoso ding sagot niya.


Napatingin ako sa kanya dala ng pagtataka.


"Hindi ko sinasabi ang mga ito para husgahan ang pag-aalala mo sa asawa mo ngayon o para ipaalala sa'yo ang galit mo sa kanya. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. At ngayon na alam mo na ang ibang bahagi ng katotohanan, sana ay makuha n'yong mag-usap ng masinsinan at ayusin ang gusot ng pamilya n'yo. Para rin ito sa mga anak ninyo, Ariadne."


"Iyan nga ang binabalak kong gawin, Kuya. Kahit hindi mo pa sabihin sa'kin, kakausapin ko talaga si Clade dahil marami akong katanungan sa kanya. Gusto ko rin namang maayos ang pamilya namin..." tuluyan akong humarap sa kanya. "Pero hindi lang para sa mga anak namin. Para rin sa akin at sa kanya."


Saglit niya akong tinitigan ng seryoso bago sumilay ang munting ngisi sa kanyang labi at tumango.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon