Requiem #52

134 1 1
                                    

Chapter 52

(Siblings)


He offered me space... am I deserving to be called a bad wife for accepting it?


Hindi ako nilubayan ng kaguluhan sa utak at kalooban ko. Everything still feels so heavy. That night, Clade kept his promise of giving me time and space. He didn't force me to talk. He didn't come near me. He almost hid himself from me as well. Napaka-awkward tuwing nagkikita kami rito sa bahay at hindi alam ang sasabihin sa isa't isa. May isang pagkakataon pa ngang agad siyang tumalikod at lumayo sa akin nang kami'y nagkasalubong sa ikalawang palapag para lang hindi ko makita ang pagmumukha niya. Napapabuntong-hininga na lamang ako tuwing may ganoon.


Panay ang bisita nina kuya at Ela rito. Malamang ay tinitingnan nila ang kalagayan namin. Alam ko ding concerned sila sa mga anak ko. Hindi naman namin pinapabayaan ni Clade ang responsibilidad namin bilang magulang. Iyon nga lang, hindi maiiwasang mapuna ni Clay ang gap sa pagitan namin ng kanyang daddy. Gayonpaman, pareho kaming namamalagi sa bahay ni Clade at isinantabi muna ang trabaho dahil mas mahalaga ang pamilya namin sa ngayon.


Habang si Valter naman ay halos dito din namamalagi dahil sa mga seryosong usapan nila. Madalas ko silang nakikitang nagpupulong kasama si Clade at sina Alek. Mas dumadagdag ang takot ko tuwing nakikita ko silang nag-uusap ng napakaseryoso. Alam ko kasing tungkol sa mga plano nila laban kina Alessandro at Graziella ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko pa rin alam kung saan lulugar. Kahit na maraming kasalanan sa amin iyong dalawa, pilit na nagsusumiksik sa utak ko ang awa at simpatya. I am torn between my family and the people we once called our "friends."


Tatlong katok sa pinto ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Nag-angat ako ng tingin at hinintay bumukas ang pinto.


Si Michaela ang sumilip mula roon. Nandito na pala sila. Napatingin ako sa may bintana ng opisina ko at napansing magga-gabi na. Muli akong tumingin kay Ela. She smiled a bit which turned out to be awkward. Maging sila ay naiipit sa sitwasyon namin.


"Bakit ka na naman nakakulong dito? Hindi ba dapat nagsi-spend ka ng time para sa pamilya mo habang naka-leave kayo sa work?" Tuloy tuloy niyang litanya habang naglalakad palapit sa mesa ko.


I sighed and looked at my computer again. "Kapag wala na akong magawa dito sa bahay, dito mo lang ako mahahanap."


Hindi siya sumagot kaya muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Habang nakaupo sa harapan ko ay kita ko ang lungkot sa mukha niya. Ganyan siya simula noong sinabi ko ang sitwasyon namin ni Clade matapos noong gabing iyon.


"Hirap no?" Nang-aalung saad niya.


Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kagustuhang umiyak. I've been emotional these past few days. Mas lumala pa ata ngayon. Parang trigger ang tanong niya para gumising ang mga luha ko.


With my effort to keep my composure intact, I grabbed the tissue box beside me and picked two leaves of tissue. Nanatiling tahimik si Ela habang nagpupunas ako ng luha.


I sighed again. "Tangina, sobrang iyakin ko na talaga. Signs of aging ba ito, Sis?"


Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora