Requiem #26

66 2 0
                                    

Chapter 26

(Ray of Sunshine)


Paputol putol ang tulog ko buong araw. I really can't sleep properly despite my great exhaustion. Nakailang palit ako ng posisyon sa kama para lamang mahanap ang aking tulog, ngunit naiistorbo ko lamang ang mga anak ko sa pagtulog nila. Mabuti pa sila ay buong araw natulog.


Bumangon lamang sila kanina para kumain. Buong araw kaming nanatili dito sa kwarto at walang nangahas na isorbohin kami.


I sighed and sat on the bed. I took a quick look at the two before going out of the room. It's already getting dark outside at malapit na ring mag-dinner. Tingin ko ay hindi pa rin ako makakakain sa ngayon dahil sa kawalan ng gana.


I went to the first floor and saw many men around the house. They all look alert and I think their numbers were doubled. Sana lang ay hindi na magbigay ng false hope ang mga ito gaya noong malooban kami. Sa kitchen naman ay nagpatuloy sa pagtatrabaho ang aming mga kasambahay kahit pa halata pa rin sa kanilang mga mukha ang bakas ng nangyari kaninang madaling araw.


I let the people in our house do their thing and just walked around for a moment. I had no direction, I just let my feet take me anywhere.


Sa huli ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na papalapit sa opisina ni Clade. Halos buong araw kaming hindi nagkita at nag-usap pa. I know we hurt each other, but I still can't forgive his absence that easily. He didn't show up to our room again after our last conversation, the more reason why we haven't made up yet. Subalit hindi ko alam kung bakit ako dinala ng aking mga paa dito sa tapat ng kanyang opisina.


Ilang saglit akong nakipagtalo sa sarili kung aalis ba o itututloy na ang pagbubukas ng pinto para masilip man lang siya. I know he's very guilty, but he's hurting too. Alam ko namang hindi niya kagustuhan ang nangyari ngunit ang sa akin lamang ay sana naging mas maingat sila sa kaligtasan namin. Dahil lahat kaming iniwan nila dito sa bahay ay pawang walang kalaban laban.


Kalaunan ay nagdesisyon akong pihitin na pabukas ang doorknob. Gusto kong makita ang kalagayan niya. I'll just have a quick glance of him and then I'll head to our room again.


Pagkabukas ng pinto ay hindi ko maintindihan ang nangyayari sa loob ng kanyang opisina. He's not alone. In fact, all of his six most trusted men and his some other uniformed men are all in the room. And I can't see him anywhere. 


Everybody looks agitated, shocked, and frozen. I looked at each one of them, but Alek caught my attention. He's crying... No, he looks more of mourning for someone.


"W-What happened here?" I managed to ask.


Iilan lamang sa kanila ang tumingin sa akin. Nakuha pang yumuko sa akin ang mga naka uniporme ngunit hindi naman makapagsalita.


Dahan dahan akong naglakad papasok sa silid. I can't see Clade around. Where the hell is he?


Lumapit ako kay Alek na patuloy sa masakit niyang pag-iyak. My hands started to tremble, even though I have no idea what is happening. But I know it's not something good.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz