Requiem #50

105 3 2
                                    

Chapter 50

(Escape)


Ilang saglit namayani ang katahimikan sa kasagsagan ng dilim. Kasunod nito ay ang sunod sunod na ingay ng sahig dulot ng pagbagsak ng iilang tao. Sa kabila ng kawalan ng ilaw, ekspertong gumalaw si Rob at Clade upang patumbahin ang mga tauhang malapit sa kanila.


"Boss, just follow my tracks. I will lead us to the back part." Mahinang sambit ni Rob kay Clade habang abala sila sa pagkikipagbuno sa iilang lalaking nakasalubong.


"Alright." Mapwersang sagot ni Clade na ngayon ay abala sa babaeng kaaway.


Walang namumutawi na putok ng baril dahil hirap ang lahat sa pagtutok sa mga target. Ngunit kumuha ng dalawang maliit na baril si Clade mula sa mga kaaway na napatumba kung sakali mang kailanganin niya ang mga ito.


Nagpatuloy sila sa pagtakbo sa dilim patungo sa likod na bahagi ng mansyon. Dinig nila ang mga boses at yabag ng marami pang paparating na tauhan. Saglit silang nagtago sa isang malapad na poste.


"Did the hostage escape?" Galit na tanong ng isang lalaking tauhan.


"I think so! He knocked some of our men out." Sagot ng isa pa.


"Find him! And make sure the electricity comes back now!"


Sa kabila ng dilim, nakuha ni Clade at Rob na sanayin ang kanilang mga mata upang maaninag ang kanilang nasa paligid. Ginamit nila ito upang makapagpalitan sila ng senyas. Tumango si Clade sa senyas ni Rob at tahimik na sumunod rito patungo sa dulong bahagi ng ikalawang palapag.


Nang makalayo sa mga tauhang naghahanap sa kanila, huminto si Rob upang tingnan ang sitwasyon sa unang palapag. Naaninag nila ang mas maraming tauhan na nagkakagulo sa ibaba. May mga hawak na flashlight ang iba sa mga ito kung kaya't napabuntong-hininga si Rob.


"It will be hard to take the first floor." Komento niya.


"Then we should escape through the second floor." Saad ni Clade sa kanyang tabi.


"That's not possible, Boss. This mansion almost has no windows, except for the first floor. All rooms and walls in the second floor do not have windows. So our only chance to escape is if we take the first floor going to the back part of the mansion where there is a door leading to the backyard."


Napaisip si Clade sa kanyang sinaad. Saglit silang natahimik kung kaya't rinig na rinig nila ang galit na boses ng mga tauhan sa una't ikalawang palapag.


"Then we have no choice but to take the first floor. We just need to be careful. We also have to avoid their lights." Suhestyon ni Clade.


"Yeah, I think so too. Let's pretend to be one of them and just avoid to be caught in the light. In case we fail, we will need to shoot them." Seryosong sagot niya. "You have your guns with you, right, Boss?"


"Yeah. Don't worry about me."


"Alright. Let's proceed downstairs."

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon