Requiem #47

97 4 2
                                    

Chapter 47

(Plan)


It's already been days but I still kept thinking about what happened in that elite party. The outcome turned out to be the most unexpected result of a confrontation. I have my hunch as to who instigated my allergy attack. I really think it has something to do with Graziella because of the problems between us. Sa loob ng ilang taong magkaibigan kami, she practically knows almost everything about me.


But the question is, why will she do that to me?


Isa pang dapat kong pagtuonan ng pansin ay kung may iba pa bang maaaring gumawa noon sa akin maliban sa kanya at sa anong dahilan? Kailangan ko ding isipin kung ano ang pinapahiwatig ni Valter sa akin noong sinabi niyang aayusin niya ang gulo ng pamilya namin.


Everything right now doesn't make sense to me. All along I thought this was just a mess between a wife, her husband, and his mistress. Now I'm thinking... mas malala ba dito ang katotohanan ng mga nangyayari ngayon? Mas seryoso ba kaysa sa pambabae ni Clade ang kinakaharap na problema ng pamilya namin?


Ayaw ko mang isipin ngunit tila nakukumbinsi na ako na may gusto ulit na magbanta sa buhay namin. Natatakot ako na baka maulit ang lahat ng panganib na hinarap namin noong kaaway pa ni Clade si Stefan at Valter.


"Ma'am?"


Napatingin ako kay Maria dahil sa pagtawag niya.


"Ano iyon?"


"Kanina ko pa po kayo tinatawag. Mukhang malalim po ang iniisip n'yo..."


"Ah, pasensya ka na. May iniisip nga ako. Ano nga pala ang kailangan mo?"


Tuluyan siyang pumasok sa aking opisina hanggang sa matapat sa aking mesa at nilapag roon ang isang tasa ng kape.


"Ihahatid ko lang po sana itong kape n'yo at ipapaalam din po sa inyo na may isang matandang lalaki po ang naghahanap kay Sir Valter sa labas."


Kumunot ang noo ko. Kanina pa ako dito sa aking opisina at abala sa trabaho. Nasa eskwela din ang mga anak ko kaya mas lalo kong inabala ang aking sarili rito. Hindi ko namalayan na may bisita pala kami.


"Bakit dito niya hinahanap si Valter? Wala pa man dito iyon."


"Hindi ko po alam, Ma'am. Basta pinapasok po namin kanina kasi nagbigay alerto naman po si Sir Valter tungkol doon sa matanda."


"Ganoon ba? Walang nabanggit si Valter sa akin. Anyway, sige papasukin mo na lang iyong bisita. Bababa na ako pagkatapos tawagan si Valter para i-entertain 'yong bisita."


"Sige po, Ma'am. Ipapaalam ko po sa kanya. Sa living room po sa ibaba siya naghihintay."


"Salamat, Maria."


Nang makalabas siya, agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Valter. Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα