Requiem #29

89 0 0
                                    

Chapter 29

(Down)


Valter? As in Valter Ivanov?


So, this man who is calling himself Aed is really Clade's supposedly dead twin brother? I wouldn't doubt about it because they really look so much alike, the reason why we were shocked upon seeing his face. The only difference between them is their hair color which is light brown for Valter. But how is this possible?


Magulo na naman ang aking utak. Hindi alam ang uunahing isipin. Ang katotohanan ba na ang Aed na ito, na siya ring nagbabanta sa aming buhay ay ang kakambal ni Clade na si Valter o ang posibilidad na ang parehong lalaking ito ang may kagagawan sa pagkamatay ni dad?


I wanted to pass out with what I just found out. Ngunit pinilit kong panatilihin ang aking lakas para kay Clade. His mind must be in haywire right now. And he looks livid.


"Hello, brother." Walang emosyon na bati ni... Valter. "We've finally meet again."


"You're a fucking bastard." Mariing tugon ni Clade.


Halos maging itim ang kanyang mga mata dahil sa dilim ng kanyang titig. Kitang kita ang paggalaw ng kanyang panga dahil sa pagngingitngit ng kanyang ngipin. Maging ang hawak niya sa baril ay napakahigpit.


Nang tingnan ko naman si Valter ay nanatili itong walang emosyon at tila walang epekto sa kanya ang sinambit ng kakambal. I couldn't fully understand their situation right now. They are identical with their faces and built, but I think their similarities end with that. From what Clade has told me about his family before, I know very well that him and his brother were very close. They were best friends.


It is so heartbreaking to see their relationship breaking apart, most especially that they've only reunited now after so many years.


But I couldn't blame Clade because I also despise Valter for everything he has done to us, to our family. Labis na takot ang hinatid niya sa amin at hinding hindi ko siya mapapatawad sa mga iyon. Kung talagang may malasakit pa siya sa amin bilang kapamilya namin kahit papaano ay hindi niya dapat ginawa iyon!


Humakbang si Valter palapit kay Clade ngunit bigla na lamang nagpaputok si Clade sa paanan ni Valter na ikinatigil ng isa sa paghakbang.


"Don't you dare take another step!" Ngitngit ang ngipin na saad ni Clade.


Nakinig si Valter. Nanatili ito sa kanyang kinatatayuan at humalukipkip habang nakikipagpalitan ng nakamamatay na tingin sa aking asawa. Tama nga si dad, pareho silang nakakatakot tingnan kapag ganito ka seryoso ang kanilang mukha. Ngunit mas makatindig balahibo ang tingin ni Valter lalo na't alam namin kung gaano siya kasamang tao.


Maging sina Alek ay kakikitaan ng parehong reaksyon gaya ng akin. Hindi rin sila makagalaw sa kinatatayuan dahil pare pareho naming alam na maaaring magpatayan ang dalawang ito ngayon din sa isang maling galaw lamang.


"How is it possible that you're alive?" Nagpatuloy si Clade sa galit niyang pagtatanong.


Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant