Requiem #56

95 1 0
                                    

Chapter 56

(The Enemy's Side)


"Do you know why I took you in as my most trusted right-hand man and confidante, Gaspar?"


Naging alerto ang katawan ni Gaspar at magalang na umayos ng tayo sa harapan ng matanda. Biglaan lamang ang pagsasalita nito habang abala siyang inaayos ang iilang dokumento sa mesang may kalayuan sa kinaroroonan ng kausap. Hindi nasusukat ng kahit anong salita ang respeto at paghangang mayroon siya para rito. Kung tutuusin ay tinuturing na din niya itong sariling ama.


"It's because of my skills, Boss." Bahagyang nakayuko niyang sagot habang magkahawak ang dalawang kamay sa kanyang harapan. Tanging silang dalawa lamang ang nasa loob ng isang malaki at malawak na silid bilang opisina ng kanyang amo.


"No..." namutawi ang magiliw na halakhak ni Leiro Lovek sa buong silid. May bahid pa ito ng tawa nang tumitig kay Gaspar matapos ang ilang sandali. "It's not really because of that."


"Then what, Boss?" Kumunot ang noo niya dala ng pagtataka. Buong serbisyo niya para kay Leiro Lovek ay tinanim niya sa kanyang isipan na isa lamang siyang instrumento upang magamit ng kanyang amo. Wala siyang karapatan na maghangad ng mas higit pa o mag-isip ng para sa kanyang sarili.


"You remind me of my son Dominik." Nakangiting sagot ng matanda.


Lalong nagsalubong ang kilay ni Gaspar. "Dominik? How are we alike, Boss? He's not even into this kind of life... I mean, the underground is out of his interest."


Iyon din ang dahilan kung bakit mas nagpursigi si Gaspar na gawin ang lahat ng gustong mangyari ni Leiro. Lahat ng utos nito'y agad niyang sinusundan dahil wala sa mga anak nito ang may interes sa kanilang madilim na negosyo. Umaasa siyang hindi madidismaya ang matanda sa kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay para rito na hindi nagawa ng mismong mga anak ni Leiro.


Nagkibit ng balikat si Leiro at muling ngumiti ng magiliw sa kanya. Hindi naman natinag ang walang emosyon niyang mukha.


"Your attitudes are very alike... You both do the things that always make me proud. Both are strong-willed... vigorous. That is why even if he didn't have any interest in my business in the underground, I never got disappointed in him. He's doing just fine with that legal and clean business of his own. Same goes for my daughter who is living her life pretty well now."


"May I ask why you are saying this, Boss?" Dahil hindi makuha ni Gaspar kung bakit bigla na lamang siyang kinausap ng ganito ng matanda. Ito ang unang pagkakataon na hindi tungkol sa kanilang negosyo o mga masasamang plano ang kanilang pinag-uusapan.


Lumaki siya sa isang madilim na buhay. Kinagisnan na niya ang masamang pamilya. Ngunit naghangad siya ng kalayaan mula sa buhay na iyon. At iyon ang ibinigay ni Leiro Lovek sa kanya nang tanggapin siya nito bilang isang tauhan.


"I guess I just want you to know that I think of you as my own. You're not just a goon to me. I am especially fond of you because of that reason... You're also my son, Gaspar."


Tila may bumukas na kung ano sa kanyang kalooban. Na parang may liwanag na tumama sa kanyang madilim na pag-iisip. May mainit na hiningang bumuga sa kanyang nagyeyelong puso.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now