Requiem #37

77 2 0
                                    

Chapter 37

(Confront)


Naalimpungatan ako nang marinig ang sunod sunod na katok sa pinto. Napatingin muna ako sa orasan sa side table at nakitang almost 6 PM na. Napabuntong-hininga ako nang mapagtantong buong araw akong tulog lamang at walang gana.


I pulled myself together and went to the door. Upon opening it, Michaela's worried face greeted me.


Agad niya akong hinila para yakapin. Siguro nakita niya ang mga mugto kong mata o kaya naman halata sa mukha ko ang pagluluksa. Yes. I feel like mourning for my love that is about to die... I feel like mourning for this marriage that is already crumbling down.


Paulit ulit niyang hinagod ang likod ko na para bang tinatahan ako kahit pa wala naman na akong luhang inilalabas. Hindi ko alam kung naubos ko na ba mula kagabing umiiyak ako o sadyang nagpapahinga lang ang mga mata ko para may mailuha ulit sila maya maya.


I saw Kuya Malekeith standing behind her. I can fully see the wrath in his eyes while staring back at me... Pero sigurado ako na hindi para sa akin ang pagkamuhing iyon.


"Kamusta pakiramdam mo? Bakit hindi ka nagsabi? Nagtataka na ako kanina pang umagang nag-text ka para ipaalam na hindi ka papasok," kitang kita ko ang stress sa kanyang mukha at rinig ko rin iyon sa kanyang boses. Mukhang pinag-alala ko nga sila. "Alam mo ba kung bakit kami naparito?"


I slightly shook my head.


She sighed. "Your son called us... He asked us to come here and cheer you up. Ano bang nangyari?"


Ayan na. Sabi na nga ba... Unti unti na namang nagbabadya ang mga luha sa mata ko. Clay did that?


Tumikhim ako at sinara ang pinto ng kwarto. Tipid ko silang nginitian ni kuya bago iginiya pababa.


"Gusto n'yo bang mag-meryenda?" Tanong ko habang pababa sa hagdanan.


Kita ko sa malaking sala ang anim na nakaabang na sa amin. I didn't pay attention to them and just went straight to the kitchen. Nakasunod naman ang mag-asawa sa likuran ko.


Nasa kusina sina Mae at Maria na abala sa paghahanda ng hapunan. Kunwari pa akong natawa nang maalalang kakain na pala ng dinner. Buong araw kasi akong nagkulong sa kwarto at hindi nagpaistorbo kaya siguro nagulo ang body clock ko at hindi napagtanto na hapunan na nga.


"Oo nga pala, dinner na," lumingon ako sa kanila. "Dito na kayo kakain ha? Ipapahanda ko na ang mga plato n'yo. Siya nga pala, nasaan si Ken?"


Kita ko ang pagtutol sa mata ni Ela, na parang sinasabi sa aking tigilan ko ang pagpapanggap. Habang si kuya naman ay nanatiling matalim na nakatitig sa akin.


"Na kina mom si Ken. Naka schedule kasi siya ngayong araw na pumunta doon... Isasama sana namin ngayon para may makalaro sina Clay pero hindi pumayag sina mommy dahil once a week lang siya pumupunta doon," sagot ni Ela.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now