Requiem #3

152 2 0
                                    

Chapter 3 

(Cottage)


"Here's another document about Clade Ivanov's recent transaction with the Delfino company. He acquired 8% shares from it recently. This is his fourth acquired shares from different companies in a month, making him a hot topic in the business world again."


Tahimik lamang siyang nakikinig sa sinasabi ni Danny sa kanya habang tinititigan ang mga dokumento ng lahat ng company report ng VCI Corp.


"Any reports about his participation in the underground?" Naiinip niyang tanong habang nakasandal sa kanyang swivel chair.


"None. He wasn't involved in the underground for a few years now. Only with the organization in Russia and with his companies. But his men are still keeping in check the transactions in the underground here in the Philippines."


Nagpakawala siya ng malalim na hininga matapos ang narinig. Inihilig niya ang kanyang ulo sa sandalan ng inuupuan at ipinikit ang mga mata. Namayani ang katahimikan sa loob ng may kalakihan at madilim na conference room. Ang tanging ilaw ay ang projector screen sa harapan at ang tanging ingay ay ang tunog ng airconditiong unit.


Ilang saglit naghintay si Danny sa sasabihin pa niya habang nakatayo. Ngunit ilang sandali ang lumipas ay tila wala na siyang balak magsalita.


"What should I do now?" Tanong ni Danny.


Nagmulat ang kanyang mga mata at diretsong tumitig sa screen kung nasaan ang masayang mukha ni Clade habang kausap ang ilang malalaking businessmen.


"Nothing for now. I still like seeing his happy face before he finally realizes my presence," may madilim na awra ang kanyang maliit na ngisi sa mukha. "You may go, Danny. Thank you."


Tumango si Danny. Kinuha nito ang mga dokumentong nasa harapan niya at tahimik na umalis.


Nang mapag-isa siya sa silid, tumayo siya at inayos ang bahagyang nagusot na maroon suit. Nakatitig pa rin siya sa larawan ni Clade habang may seryosong ekspresyon sa mukha. Unti unting umangat ang kanyang kaliwang kamay upang haplusin ang malaking bakas ng kanyang sugat sa kanang kamay. Maraming taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nawawala ang marka ng nakaraan.


Ramdam niya sa kanyang sarili ang galit niya para kay Clade. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Tumalikod siya at lumapit sa overlooking window ng silid. Takip-silim na at nagsisimula nang sumindi ang mga ilaw ng naglalakihang skyscrapers sa kanyang harapan. Nagbigay ito ng halo-halong emosyon para sa kanya.


Ang dilim na unti unting lumalamon sa buong kapaligiran ay katulad ng dilim na namamayani sa kanyang puso, habang ang mga mumunting ilaw sa mga gusali ay siyang nagsisilbing representasyon ng kaunting ilaw na sumisilip sa madilim niyang pagkatao. Sumimsim siya sa kanyang hawak na alak habang hinahayaan ang sariling malunod sa pag-iisip.


Isang katok sa pintuan ang nagpabalik sa kanyang huwisyo. Lumingon siya roon upang makita kung sino ang pumasok.


"Dad," bati niya rito.


Hinarap niya ang matandang naka pormal din na kasuotan. Hinintay niya itong makalapit sa kanya.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now