Requiem #46

107 3 2
                                    

Chapter 46

(Lovek)


"We're here," usal ni Graziella kay Clade na nakatulala sa kung saan.


Pinanatili niyang blangko ang kanyang mukha habang pinagmamasdan ang disposisyon ni Clade. Halatang wala ito sa sarili matapos nilang umalis sa venue. Naging masunurin rin ito sa pagsakay sa sasakyan pauwi dahil sa kawalan ng pokus.


Sa kabila ng galit sa lahat ng nangyari sa pagtitipon, naging kalmante si Graziella. Isa pa'y nakatulong lamang ang mga nangyari at ang kawalan ng pokus ni Clade upang maiwasang makatakas ito o makagawa ng hindi maganda laban sa kanilang panig.


"Hey, I said we're here." Ulit niya kay Clade.


Tila nagbalik sa kanyang katinuan si Clade at napatingin sa labas ng sasakyan. Nakita nitong nasa tapat na sila ng mansyong kanilang tinutuluyan. Unti unting bumaling ng tingin sa kanya si Clade. Nanatili ang madilim nitong titig sa kanya sa loob ng ilang segundo. Ramdam ni Graziella ang paninindig ng kanyang mga balahibo.


"L-Let's get inside so we could rest too." Hindi siya komportable sa titig nito kung kaya't minabuti niyang mauna nang lumabas ng sasakyan. Kalat sa kanilang paligid ang kanyang mga babaeng tauhan. Napanatag ang loob niya kahit papaano dahil doon. Nasisiguro niyang hindi palalampasin ni Clade ang nangyari.


Mabilis ang lakad ni Graziella papasok sa loob ng mansyon. Ngunit bago pa siya makaabot sa hagdanan ay may kamay na marahas na humablot sa kanyang braso. Wala siyang nagawa kundi harapin ang nanggagalaiti sa galit na si Clade.


"What do you think you're doing? G-Get your hands off of me!" May bahid ng takot na singhal niya.


Mas lalo lamang nagdilim ang mga mata ni Clade. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Ramdam ni Graziella ang sakit na dulot nito.


"I have so many things to confront you about..." kalmado ngunit madiin na saad ni Clade. "But let me start off with the most important one. You were the one who instigated Ariadne's allergy attack earlier... You are the mastermind behind it, right?"


Nalukot ang mukha ni Graziella sa labis na galit. Pilit niyang binabawi ang kanyang braso mula kay Clade. Ilang pagpupumiglas pa muna ang naganap bago siya nagtagumpay. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang lumayo rito.


"So what? I told you our plan of destroying all of you! Why are you still surprised, huh?"


Hindi natinag ang nakakatakot na tingin ni Clade. "But I also told you that I wouldn't be merciful if you hurt my family. And you just did. If I don't have a very good sense of self-control right now, you will already be lying in your own pool of blood."


Sarkastiko siyang tumawa. "Oh, please, Clade. Don't make me laugh. You can't even escape me or this quarter. I am holding you by your neck. Besides, you are outnumbered here. You can't do anything to me."


Dahan dahang lumapit si Clade sa kanyang kinatatayuan. Dahil sa kawalan ng espasyo sa kanyang likuran, nanatiling pirmi na nakatayo si Graziella sa kanyang pwesto.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now