Requiem #18

69 3 0
                                    

Chapter 18

(Perfect)


"Congratulations, Dr. Ariadne!" Sigaw nilang lahat habang hawak ko ang pabilog na cake na may nakasulat na "New Head of Surgery Department."


Ang mga staff nurses ng aming department kasama ang mga asawa nila, sina Ela, Grazie, Direk Reyes, officials ng ibang departments, at maging ang mga higher-ups ay masayang masaya sa aking harapan ngayon.


I blew the candle above the cake as if it was for my birthday. Nagtawanan kami dahil doon. Nakakaloka talaga mga pakulo nila.


Today is the promotion day for the whole IMC, and yes, isa ako sa mga na-promote as the new head of our department. Finally. Pinaghandaan nilang lahat ito at pinapunta pa ako dito sa maliit na conference room ng aming department para lang i-celebrate ang aking promotion.


I stared at everyone's happy faces while enjoying the food on the table. May mga nagregalo din sa akin mula sa mga pasyente ko.


When I felt Clade's presence behind me, I turned around and smiled at him. He swiftly kissed my temple and whispered "Congratulations." He is wearing his usual corporate attire kaya alam kong may trabaho siya ngayon ngunit dinayo niya pa talaga kami dito.


"Thank you." I responded.


Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. May golden box doon na may malaking ribbon. Iisipin ko sanang accessories ang laman noon ngunit may kalakihan ang box.


Nang buksan ko ay umalpas ang tuwa sa akin. Simple ang regalo niya ngunit nakuha ako nitong pasayahin ng sobra.


It was a gray and silver stethoscope from a famous brand. Sa diaphragm nito ay may nakasulat na maliliit na kataga.


World's Amazing Doctor | Everyone's Wonderwoman


I was in awe. This touched my heart. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakangiti din siya sa akin at mukhang naginhawaan nang makita na gustong gusto ko ang kanyang regalo.


"Glad you like it even if it's a simple gift." He scratched his nape twice while looking at me shyly.


"Although, it is simple, I love it so much. It represents me in many ways, how can I not love it?" Mas malapad na ngiting sagot ko.


He looked relieved with that.


Nakisalo kami sa mga kumakain. Mabuti na lamang at may mga free time kami ngayon at nasakto pa sa lunch time kung kaya't narito silang lahat para makikain. Ayos lang naman iyon dahil mas nakatutuwang isipin na sinamahan nila akong i-celebrate ang isa na namang milestone sa aking professional life ngayon.


"Everything good?" I asked Grazie when I approached her. Busy din siyang kumakain at nakikipag-kwentuhan kina Celine.


Lumingon siya sa akin at agad na malaki ang ngiti.


Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now