Requiem #17

84 0 0
                                    

Chapter 17

(Help)


"We're just around the premises, Clade," rinig niyang sambit ni Alek sa maliit na earpiece na suot.


"Hmm." Huni niya habang nakatutok ang mga mata sa lalaking nagpe-present sa harapan ng conference room.


Ilang araw siyang nagpahinga sa bahay alinsunod sa utos ng kanyang asawa. Ngayo'y pinayagan na siya nitong magtrabaho ulit kung kaya't agaran siyang pumunta sa mga pagpupulong sa kanyang kompanya. Ngunit mas minabuti niyang laging kasama ang mga tauhan upang maiwasang maulit ang nangyaring ambush noong nakaraan.


Kasalukuyan siyang nakaupo sa kabiserang upuan ng mahabang mesa kung saan nakaupo din ang mga board members at investors ng VCI Corp.


"As of now, our different companies experienced a good increase of profit. IMC is the biggest contributor of this progress which is followed by Arc Pharma and our subsidiaries and small companies distributing medical equipment." Patuloy ang pagsasalita ng head ng Finance Department.


Tumagal ng halos dalawang oras ang pagpupulong kung saan napag-usapan ang mga gain, loss, new marketing strategy, at future projects ng mga kompanya. Halos hindi maubos ang mga katanungan ng mga board members at investors na pinakinggan lamang ni Clade. Sa huli ay nakapag-desisyon ang lahat sa kung anu-ano ang dapat gawin. Ipinagpasalamat ni Clade nang matapos na sa wakas ang pagpupulong na iyon.


"Have you heard about the expansion of Divera Group in Asia?" Tanong ni Mr. Morelli sa kanya nang paalis na ang mga dumalo sa meeting. Naupo ito sa upuang nasa kaliwa niya. Sila na lamang ang natira sa silid.


Sumulyap sa kanya si Clade mula sa pagtitipa sa tablet.


"Yes. I heard they had some help from other major companies around Asia. Merging, partnership, investments, and other strategies to get their favor." Sagot niya.


"That's right. They wouldn't get this opportunity without help..." pinakatitigan siya ng kausap sa isang natutuwang paraan kahit na ang kanyang atensyon ay nasa tinitipa. "How about you? No plans on expanding VCI in Asia?"


"Nah." Magaan na sagot ni Clade. "It's already big here and in Europe, especially Italy. Asia's not yet on my priorities."


"But I can help you with the Asian Expansion if ever you will proceed with it in the future, Clade."


Bumaling siya kay Mr. Morelli at tinanguan habang may tipid na ngisi sa mukha.


"I appreciate the gesture and concern, Alessandro."


"No problem, man!" Tumawa pa ito kung kaya't napatawa at nailing din siya bago muling bumalik sa pagtitipa sa tablet.


"Clade, you still have 15 minutes before we proceed to our meeting with the group. We still need to talk about the recent ambush." Narinig niyang muli ang boses ni Alek sa kabilang linya.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now