Requiem #14

75 2 0
                                    

Chapter 14

(Attack)


Palapit si Clade sa kanyang sasakyan upang magtungo sa isang kompanya kung saan may kailangan siyang daluhan na pagpupulong. Nasa tahimik na parking lot ng kanyang kompanya ang kanyang sasakyan. Wala gaanong tao rito dahil alas-nuebe pa lamang ng umaga at abala pa ang lahat sa trabaho.


Pinaharurot niya ang sasakyan hanggang sa makalabas sa hi-way. Nakikipag-usap siya kay Aleksandar mula sa maliit na screen ng kanyang SUV. Ito ang sasakyang napili niyang dalhin ngayong araw. Ginawa niya ang patakaran na kailangan ay iba't-ibang sasakyan ang gagamitin niya sa araw araw upang iwasang matukoy ng mga kalaban ang sinasakyan niya. Ganoon din para sa dinadaanan niya.


"I'm heading to the Delfino now. Report to me later," aniya.


"Just listen to me while you're driving." Mariing sambit ni Alek na ikina-buntong hininga niya. "We've been trying to find out more about this Aed. It's been almost a month already and I just gave ourselves 2 weeks maximum as a deadline. But we're still stuck with the name Aed. Nothing more."


Napaismid siya nang marinig ang pagkabigo sa boses ng kausap.


"What do you want me to do then, Aleksandar?"


"Don't get me wrong, man. I'm not demanding anything from you. We accepted this challenge ourselves... But we can't really seem to inflitrate the man's world."


"Hmm... Now, what do you plan to do?"


Patuloy niyang inuudyok si Alek na mag-isip ng plano sa pamamagitan ng kanyang mga tanong.


"We plan to check his den in Novosibirsk. That's where Artem's information led us."


Saglit siyang napaisip. Alam niya kung bakit mayroong bakas ni Aed sa Novosibirsk. Ngunit mas gusto niyang sarilinin muna ito sa ngayon. Dahil batid niyang magiging malaking gulo kapag nalaman ng marami kung ano talaga ang ginagawa ng kalaban nila roon.


"No need to go there. I bet you won't find anything again..."


Lumiko siya sa isang village na halos bakanteng lote ang laman. Nakahiwalay ito ng kaunti mula sa siyudad ngunit dito niya napiling dumaan dahil mas mabilis siyang makakarating sa destinasyon.


"If you're worrying about the vault, then don't. I have it under control. After Stefan's attempt to take it years ago, I had the security tightened."


Rinig niya ang pagbuntong-hininga ni Alek sa kabilang linya.


"Alright. If that's what you want. We'll still try to fish for more info. If ever, we will tell you our progress... How about you, by the way? How's your investigation so far?"


"I took Malekeith with me because I know he won't be finding anything in the police. Last week, we went to a mansion which happens to be where Aed keeps his weaponry."

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon