Requiem #58

90 2 1
                                    

Chapter 58

(Spare Her)


Walang hirap na nabuksan ni Rodion ang pinto nang sipain niya ito ng tatlong beses. Bumungad sa kanila ang isang hagdanan na may iilang baitang patungo sa baba kung saan mayroong isa pang pintuan. Kapansin pansin na walang alikabok na sumabog sa kapaligiran nang mabuksan ang pinto. Malinis din tingnan ang hagdanan at ang magkabilang pader patungo sa ibaba.


"Another one," baling ni Rodion kay Clade at Valter nang makababa siya sa hagdanan.


"Yes, another one to destroy," walang pakundangang sagot ni Valter. Nakahalukipkip ito habang nakatayo sa itaas, katabi si Clade.


Pasimpleng bumuntong-hininga si Rodion at muling humarap sa pinto. Handa na ang lakas at pwersa niya upang sipain ito pabukas nang makita niya ang sumisilip na dilaw na ilaw sa siwang ng pinto sa ibaba. Muli siyang bumaling kina Clade gamit ang nanlalaking mata.


"There's light..." hininaan niya ang kanyang boses. "They're here."


"Rod," agad na tawag sa kanya ni Clade nang may mapagtanto. "Step back slowly. We will not force our way in without thinking first. We might be greeted with bullets."


Nakuha ni Rodion ang kanyang ibig sabihin. Tahimik silang umatras at bumalik sa itaas ng basement, sa may kusina. Nag-isip sila ng estratehiya kung paano bubuksan ang pinto nang hindi masasalubong ang maaaring nakaabang na bala o kung anomang pag-atake sa likuran nito.


"They're definitely inside. Notice the cleanliness of the area itself. It means they've been coming back and forth here." Ani Clade at tumingin kay Valter na tahimik habang hawak ang baba. "It's their main hideout."


"We have to think of a way to open the door without being caught up with their possible attack. I can already picture them waiting behind the door with their guns and wicked looks." Mariing sambit ni Rodion.


"What's our strategy then?" Singit ni Aleksandar. "I couldn't see anything around to use for the door."


Lahat sila'y ipinalibot ang tingin sa paligid at napagtanto na wala ngang kagamitan sa kusina o kahit saang parte ng bahay upang magamit para buksan ang pinto habang malayo sila rito.


Sa kalagitnaan ng seryosong usapan nila ay nagsalita na si Valter sa wakas. Agad na umangat ang mga mata nito sa kakambal upang sabihin ang naisip na estratehiya. "Didn't we bring explosives with us?"


Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Clade, hindi nagugustuhan ang pinupunto ng kapatid. "Yes. We did... Why?"


Hindi agad sumagot si Valter at muling nagbaba ng tingin upang mag-isip pa ng kaunti.


"I don't like that look, Valter. Yes, we did bring explosives with us, but I reiterated that they would not be used unless it is very necessary."


"But they are necessary now, Clade." Malamig na kontra ni Valter.


Gamit ang madilim na ekspresyon ay humakbang ng ilang beses si Clade upang tuluyang makatapat si Valter. Saglit na nagtitigan ng tahimik ang dalawa, pawang madilim ang mga ekspresyon sa mukha. "Are you saying that we should kill them now? If we use the explosives in that door, they'll definitely die with the impact. I thought we agreed not to kill so easily tonight? Shouldn't we give them a chance to be heard first?"

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now