01

6.8K 249 86
                                    

"Stella!" Nilingon ko ang sumigaw at nakita si Nanay na karga-karga ang isang bata.

"Bakit?" Walang interes na tanong ko habang nakatingin sa palabas sa TV.

"Bantayan mo nga 'tong anak mo sandali. Tandaan mo, ikaw ang nanay ng batang 'yan at hindi ako. At puwede ba? Tigilan mo na nga 'yang paninigarilyo mo. Gusto mo ba talagang mamatay ng maaga, huh?!" !Nagkibit-balikat lang naman ako at nagpatuloy sa panonood ng palabas.

"Kung ayaw niyo ng bantayan 'yang batang 'yan. Bahala kayo. Pwede niyo namang ibenta o ipamigay 'yan. Wala akong pakialam." Walang emosiyon na saad ko.

"Piste ka talagang babae ka! Bakit kasi nagpabuntis ka ng maaga kung ayaw mo pa lang magkaanak? Ayan kasi napakatarantado mong bata! Ewan kung saan ka nagmana." Heto na naman. Walang kasawa-sawa talaga si Nanay sa pangangaral.

Ibinuga ko ang usok galing sa sigarilyo ko kaya agad nitong inilayo ang bata mula sa akin.  "Oo na. Kasalanan ko na naman. Palagi naman, hindi ba?" Nailing na lang ako saka nagpatuloy na sa panonood.

Kung hindi sana nangyari ang putanginang pangyayari na iyon ay hindi sana ganito ang magiging buhay ko ngayon o baka ganito rin. Simula naman noon ay puro katarantaduhan lang ang ginagawa ko.

Pero kung hindi sana ako tinuhog ng baklang iyon ay wala pa sana akong anak ngayon. Yung putanginang iyon... bakla tapos tinuhog ako? Gago ang lintek na kingina.

Dahil sa pagkakamaling iyon ay naging ina ako ng maaga. Siguro karma ko na ito dahil sa kagagahan ko pero wala akong magagawa. Gago na ako dati pa. Kaya mas magiging gago na lang ako para wala ng problema.

At ang gagong bakla na 'yon. Matapos ng ginawa niya ay iniwan na lang ako basta-basta at hindi na nagpakita.

Akala ko lalaki lang ang gumagawa nun. Pati pala bakla ay iyon na rin ang ginagawa. Nang-iiwan na lang bigla. Wala man lang pasabi.

Pero ayaw ko na rin namang makita pa ang mukha ng sinumpang bakla na iyon. Baka mabalatan ko pa ng buhay ang itlog ng gago na 'yon.

Tsk.

Makaraan ang ilang sandali ay nawalan na ako ng interes sa pinapanood kaya pinatay ko na ang TV at napagdesiyonan na lumabas na muna tutal ay wala naman akong gagawin dito sa bahay.

"Oh, saan ka na naman pupunta? Mag-iinom na naman?" Tanong ni Nanay pero hindi ko na ito pinansin pa at napagdesiyonan na lumabas na ng bahay.

Sino nga naman ang hindi aalis kapag ganito ang buhay ng magiging kasama mo. Mahirap pa sa daga at maski ang ugali ay masama. Walang-wala at walang maipagmamalaki kahit na kaunti. Kaya siguro kinalimotan niya na lang ako bigla matapos akong tuhugin.

Naglakad na ako papunta sa isang tyangge at na umutang ng isang bote ng alak at pumunta sa mga nagsusugal at naisipan na sumali. Baka suwertehin at maging milyonaryo ako bigla.

Unang laro ay nananalo pa ako kaya masaya pa pero habang patagal nang patagal ay unti-unti ng dumadami ang talo ko at nagsisimula ng maubos ang perang dala at napanalunan kanina.

Nanatili pa rin akong naglalaro at umutang muna sa isa sa mga kalaro ko ng dalawang daan para ipampusta ulit pero makaraan lang ang ilang minuto at naubos na iyon kaya napakamot na lamang ako ng ulo.

"Peli, pahiram naman ulit dalawang daan, oh." Siya ngayon ang may pinakamaraming panalo sa amin at ang dami na nitong pera na nakalap.

"Ito. Pero bayaran mo ako kaagad. Ang dami-dami mo ng utang sa akin, Stella." Tumango naman ako saka nagpatuloy na sa paglalaro at agad naman ulit na napangiti dahil nananalo na naman ako.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon