05

2.6K 172 11
                                    

"Stella! The food is ready. Bumaba ka na para makakain na tayo." Pasigaw na tawag ko sa kaniya habang hinahanda ang hapagkainan.


Natapos na akong magluto ngayon at nakapag-ayos na rin ako ng ro'n sa kusina.

Nang matapos ay pinuntahan ko muna si Astreed sa crib nito at nakitang natutulog pa rin ito kaya napangiti na lang ako saka iniwan na muna siya ro'n at agad na napatingin sa taas at nakita ko si Stella na pababa na kaya agad naman akong ngumiti ng malapad pero nang makarating ito sa baba ko ay dinaanan lang ako nito na parang walang nakita.

Sa kaunting kilos niyang iyon ay nasaktan kaagad ako. Pero wala akong magagawa. Titiisin ko na lang muna ang sakit na 'to. Kailangan kung magpakatatag.

Tahimik naman akong bumuntong-hininga saka sumunod na sa kaniya sa hapagkainan at naupo sa may kalayong upuan. Siguro naman akong ayaw ako nitong makatabi.

"Kain na." Saad ko at balak sana siyang lagyan ng pagkain sa plato pero inunahan na ako nito at linagyan ng pagkain ang plato niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo kaya huwag ka ng makialam. May kamay ako at kaya kung kumuha ng sarili kung pagkain." Asik nito at nagsimula ng kumain.

Tumango naman ako saka nginitian siya. "I'm sorry." Iyon lang at kumuha na rin ako ng pagkain at nilagyan ang plato ko at tahimik na kumain.

Parang nasa iisang bahay kami ngayon at parehong hindi kilala ang isa't-isa. Ganoon ang dating nun sa akin. Mas lalo akong nalulungkot dahil sa katahimikan na bumabalot sa amin ngayon.

Kung puwedeng isang bagsakan lang yung galit niya sa akin at pagkabukas ay wala na ay mas pipiliin ko pang maging ganoon na lang kahit na masaktan pa ako ng sobra-sobra. Hindi yung ganito... ang lapit lang namin sa isa't-isa ngayon pero ang layo naman ng loob niya sa akin.

Paano ko ba ulit makukuha ang loob mo, Stella? Parang ang hirap mo na ngayong basahin. Hindi ko na alam kung ano ang mga tumatakbo diyan sa utak mo.

Napakurap-kurap naman ako ng marinig na umiyak si Astreed. Napatingin naman ako kay Stella pero kumakain lang ito at tila walang narinig kagaya kanina. "Stella, nasa kontrata natin na alagaan mo si Astreed." Matigas na sambit ko pero nagkibit-balikat naman ito.

"Bukas ko na sisimulan. Pagod ako ngayon, eh. Ikaw na muna magbantay diyan para magkaambag ka naman sa buhay niya kahit papaano."

Hindi na lang ako nagsalita at mas pinili na lang na pumunta sa kinaruruunan ni Astreed at sala hinili-hili ito para makatulog ulit. "Are you hungry?" Tanong ko sa kaniya pero tanging iyak ang isinagot niya sa akin. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng panibagong bote at nagtimpla ro'n ng gatas. Nang matapos ay saka ko na pinadede si Astreed na natahimik naman kaagad. Tanging umiiyak lang ito kapag nagugutom o hindi kaya ay inaantok. Pero minsan ay umiiyak din ito na ang Nanay niya mismo ang dahilan.

Bumalik na ako sa hapagkainan at naupo sa upuan ko habang hawak-hawak pa rin ang bata na nakaupo lang sa hita ko. Sumulyap pa ako sandali sa gawi ni Stella pero parang hindi lang kami nito nakikita o napapansin. Para bang wala lang kami para sa kaniya.

Nagpatuloy na lang ako pagkain ng natirang pagkain na nasa plato at hindi na pinansin pa ang lungkot sa puso ko. Tiyak mas lalo lang akong nalulungkot kapag nagpatuloy ako sa pag-iisip tungkol sa nararamdaman ko.

Naging tahimik na ulit ang buong bahay. Tanging tunog ng mga kubyertos ang maririnig. Nakakasakal ang katahimikan.

Nagtaas ako ng tingin kay Stella nang tumayo na ito. "Where are you going?" Hindi ko napigilan ang sarili na magtanong.

"Matutulog na." Sagot nito at naglakad na paalis at hindi man lang kami tiningnan ng anak niya kagaya rin kanina. Sinundan ko pa ito ng tingin at tumigil lang ng hindi ko na ito makita.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now