23

1.4K 77 31
                                    

Tatlong taon ang nakalipas...

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng simbahan at nakangiting nakatingin sa mga taong naroroon sa upuan at nag-usap-usap.

Akala ko ay hindi na mangyayari ang araw na ito.

Sobrang daming tao ang inimbitahan sa kasalang ito. Halos mapuno na ang buong simbahan.

Napangiti naman ako ulit ng bumukas na ang pintuan ng simbahan. At isang magandang babae ang pumasok roon suot-suot ang maganda nitong trahe de boda.

Natahimik ang buong simbahan at natutok sa kaniya ang lahat ng atensiyon.

Aakalain mong isang prinsesa ngayon sa gitna ng simbahan.

It's been three years now but she still beautiful as the first the that I saw her.

I'm lucky that I'm her rightnow. Standing infront and waiting for her to come.

But sadly I'm not the leading man in this love story.

Napangiti na lang ulit ako ng bahagya ng makita siya...sila. Naglalakad papunta sa gawi ko habang masayang nakangiti.

Yes, I'm not the groom.

Dahil ako ang paring magkakasal sa kanilang dalawa. Nakakalungkot dahil umabot kami sa ganito. Hindi pala talaga kami ang para sa isa't-isa.

Pero masaya na ako na makita siyang masaya. Kahit na sa piling pa iyon ng iba. Wala na akong magagawa. Gusto ko pa siyang mabuhay at sumaya.

Pinili ko huwag na siyang gambalain ng oras na iyon. Napagdesiyonan ko na hindi na dalawin o kausapin o maski puntahan sa ospital.

Kasi ayaw ko siyang mawala.

Palagi lang akong nakatingin sa kaniya mula sa malayo. Sinusubaybayan ang buhay nito kasama ang lalaking nasa harapan ko rin ngayon.

Sa ilang taong nakaraan ay nagsaliksik ako ng mabuti para alamin kung anong klaseng tao siya. Kung maaalagaan ba niya si Stella o hindi.

At sa mga nakikita ko na mga ginagawa niya kay Stella mabuti naman iyon. Naging mabuti ang lagay ni Stella ng nasa kamay na siya nito.

At alam ko rin namang mahal na mahal niya si Stella. Siguro ay higit pa sa pagmamahal ko. Nakikita ko 'yun sa mga mata niya.

Nang tuluyan na silang makarating sa harapan ko ay agad ko ng sinimulan ang kasalan.

Dati ay buong akala ko ay ako ang magiging kasama niya dito ngayon. Ako iyong magiging groom niya.

Pero andito naman ako ngayon.

Masaya na rin akong nandito. Nandito sa importanteng oras ng buhay niya.

Kaya nga ako nagpari...dahil bago ako umalis sa ospital ay ipinangako ko sa kaniya na ako ang magkakasal sa kanila ng mamahalin niya in the future. At ito na ang oras na iyon.

Natupad ko na ang pangako ko.

And it also the time that I will let her go...

Makikita ko sa mga ngiti niya ngayon habang nakatingin sa lalaki ang pagmamahal. At ganoon rin ang lalaki sa kaniya.

They look so inlove.

And I'm happy for them. Salamat at nahanap na nga niya ang totoo niyang pag-ibig.

Natapos ang kasalan at tuluyan na silang umalis. Pero bago iyon ay kinausap pa nila akong dalawa.

Masiglang-masigla na ang Stella ngayon. Parang hindi lang siya dumaan sa isang trahedya noon. Siguro dahil inaalagaan siya ngayon ng lalaking mahal niya.

Maybe... this is the last time na makikita ko siya.

Since I'm letting her go.

Umalis na ako sa simabahan at naglakad palabas at agad na nakita si Nally sa labas at naghihintay.

"Bagay nga sila noh?" Saad pa nito habang nakatingin sa dinadaanan ng kotse ng bagong kasal.

"Yeah." Nakangiting saad ko saka ginulo ang buhok niya. "Let's go." Saad ko saka pumasok na sa kotse.

"Sana inagaw mo siya kanina tapos kinidnap at dinala sa isang isla. Ang weak mo eh." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ang dami mo talagang nalalaman. Ako na nga 'yung pari tapos ako pa iyong gagawa ng kasalanan doon. Paghihiwalayin ko pa sila ba masayang-masaya na." Sambit ko naman.

"Holy priest, eh? Hoy! Kahit pari ka na ngayon hindi ka pa rin banal." Sigaw nito bigla kaya natawa naman ako ulit saka niyakap siya.

"And who the hell said that I'm holy, hm?" Bulong na tanong ko sa kaniya at nakita ko naman itong natigilan at namumula kaya natawa naman ulit ako saka pinaandar na ang kotse.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now