11

2K 133 6
                                    

Napamulat na lamang ako ng mata ng marinig ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin kaya napabangon naman ako saka tumingin sa kaniya."

"Si Astreed inaapoy ng lagnat!" Agad namang nagising ang kaluluwa ko ng marinig iyon at napatingin sa kaniya na ngayon ay karga-karga na si Astreed na iyak ng iyak.

Minsan lamang ito kung umiyak pero kapag umiyak na siya ay tiyak na may nararamdaman na ito na hindi maganda.

"Dalhin na natin siya sa ospital. Dali!" Nagmamadaling saad ko saka kinuha ang  susi ng kotse at tumakbo na palabas hababg nakaalalay sa mag-ina ko. Nag-pa-panic na ako dahil sa kaba.

Nang tuluyang makalabas ng bahay ay agad na kaming dumeritso sa kotse. Pinagbuksan ko si Stella at lumigid papuntang driver seat saka sinarado na ang pinto at pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital.

Masyado pang maaga kaya wala pang traffic pero medyo madilim pa ang daanan. Tuloy-tuloy ang biyahe at halos paliparin ko na ang kotse habang patingin-tingin sa mag-ina ko. "Ang init-init niya talaga Drake." Saad ni Stella habang hinahaplos ang noo ni Astreed na iyak pa rin ng iyan. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at takot.

"S-Sandali na lang at makakarating na tayo. Magiging okay ang lahat." Usal ko ipinarada ang sasakyan sa harap ng ospital at agad ng bumaba.

Inalalayan ko naman ulit si Stella papasok sa ospital at agad naman kaming sinalubong ng nurse at doktor at kinuha si Astreed sa amin pagkatapos na magtanong ng iilang mga bagay. Hindi na kami pinapasok sa loob kaya naiwan na lang kami at naghintay sa labas ng emergency room.

"B-Baka anong mangyari kay Astreed, Drake? Kasalanan ko 'to, eh. Dapat hindi ko na siya kahapon sinama sa paglabas ko. Kasalanan ko 'to." Umiiyak na saad nito kaya agad ko naman itong niyakap saka pinahid ang mga luha nito.

"Hindi mo kasalanan, okay? Magiging okay ang lahat kaya tahan na. Walang may kasalanan sa nangyari." Pagpapatahan ko sa kaniya pero umiling ito ng umiling.

"P-Pero kung noon palang sana ay inalagaan ko na siya. Kung sana ay naging mabuti lang akong ina ay hindi mangyayari ito. Ano na ang gagawin natin? Baka kung anong mangyari sa kaniya Drake. Hindi ko m-mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya." Humahagulhol na saad nito at sinabunotan ang sarili kaya agad ko naman itong pinigilan.

"Tama na. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, Stella. Magiging okay lang si Astreed. Magpahinga ka na muna at huwag mo ng isipin ang mga bagay na iyan." Pinahiga ko na ito sa balikat ko saka hinagod ang likod para pakalmahin siya.

Maya-maya ay naramdaman ko na lumalim na ang paghinga nito at hindi na rin gumagalaw kaya sinilip ko naman at natutulog na nga ito. 3:45 am palang ngayon ng madaling araw.

Nasa isang linggo na mahigit simula ng makabalik si Stella sa bahay. Nagpapasalamat ako dahil hindi na nito naisipan pang umalis sa nga nakaraang araw. Inaalagaan na rin nito kahit pa paano ang anak.

At ngayon na nakikita ko ang pag-aalala nito kay Astreed napatunayan ko na may pagmamahal pa rin ito sa anak.

At isipin iyon ang masaya na ako.

Kinakausap na rin ako nito kahit pa paano. Pero hindi mawawala ang katarayan nito kapag kausap ako pero hindi ko na lang iyon pinapansin. As long as hindi ito umaalis ay ayos na sa akin iyon.

Tahimik ang ospital. Siguro dahil wala pang masyadong tao at ang iba ay natutulog pa. Napatingin naman ako kay Stella at agad namang kinuha ang jacket saka ipinatong ito sa suot niya para hindi ito lamigin.

Makaraan ang ilang sandali ay may lumabas naman na doktor mula doon sa kwartong pinagdalhan sa anak namin. Lumapit naman ito sa gawi namin. "Kamusta ang anak namin, Doc?" Tanong ko kaagad.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora