15

1.8K 102 3
                                    

"Drake! Kakain na." Pasigaw na tawag ko habang inaayos ang mesa. Pero hindi ito sumagot kaya bumuntong-hininga naman ako saka naisapan na hanapin siya.

Siguro ay magkasama na naman sila ng anak niya sa office nito. Nitong nakaraang mga araw na naging busy ito sa mga trabaho niya. Pero dito pa rin niya iyon ginagawa sa bahay.

Ayaw niya raw mawalay sa amin ng anak niya. Psh!

Ang baklang 'yun----matapos akong ewan ay lalaki na akong binalikan.

Nakita ko namang bukas ang office nito kaya naman tahimik lang akong pumasok at agad na nakitang nakatalikod ito habang nasa harapan ng bintana. Napapainit ata kay Astreed.

Tahimik naman akong lumapit para sana biglain ito pero agad rin naman akong napatigil ng marinig na nay kausap pala ito sa telepono.

Habang kausap ang nasa kabilang linya ay tumatawa ito at halatang masaya.

"Yeah. Yeah. Stop calling, Nana. Nababaliw na ka na talaga." Tatawa-tawang saad pa nito dahilan para matigilan ako.

Nana? Siya 'yung babae sa grocery store ng nakaraan. Ganoon ba sila ka-close ni Drake? Siguro. Kitang-kita ko naman ng mga oras na iyon kung ganoo sila ka-close na dalawa eh. Tapos ngayon ay nagtatawagan rin pala sila.

"Hey, kanina ka pa ba?" Napakurap-kurap naman ako ng magsalita ito. Ngumiti naman ako kaagad saka umiling.

"Kakarating ko lang. Tara na, kain na tayo." Aya ko sa kaniya. Tumayo naman ito saka inakbayan ako.

"Tara na. Nagugutom na rin ako eh." Saad nito at lumabas na kami sa opisina nito.

"Sino 'yung tumawag sayo?" Hindi ko mapigilang magtanong. Parang may nag-uudyok sa akin para magtanong.

"Ah 'yun? Si Nana. May pinag-uusapan lang kami." Sagot naman nito. Alam ko namang ganoon ang sagot nito pero bakit ba parang may gumugulo pa rin sa akin.

"Ano naman ang napag-usapan niyong dalawa?" Tanong ko pa ulit habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang bibig ko sa pagtatanong. Kusa na lang iyong bumubuka at nagsasalita.

"Oh, right. Hindi ko pa pala nasabi sayo." Kinabahan nanan ako bigla ng sabihin niya iyon. Parang may kung anong nabuhay sa loob ko ng narinig iyon.

"Y-Yung alin?" Tanong ko ulit, kinakabahan.

"Diba, next month birthday ko na?" Tumango naman ako at hindi nagsalita. "Nalaman kasi ni Nana na pupunta ang parents ko. Kaya napagplanuhan namin na isurprise sila. Matagal ko na din kasing hindi nakikita ang parents ko eh. And, I want to introduce you to them." Mas lalo naman akong kinabahan sa sinabu nito pero kahit papaano ay sumaya rin.

So....may balak siyang ipakilala ako sa parents niya? And kasama niya lang palang magplano si Nana kaya sila magkausap.

"P-Pero paano kung hindi nila ako matanggap? What if ayaw nila sa akin?" Tanong ko sa kaniya habang nakababa ang tingin.

"Pft. Hindi mangyayari 'yun. Sila pa nga 'yung nagpush sa akin na hanapin ka at magsorry sayo dati eh. Simula pa lang ng gustuhin kita ay alam na nila. Dati nga ay sinasabihan na nila akong mag-confess na lang raw at huwag ng magbakla-baklaan para lang mapalapit sayo." Natatawang saad nito habang inaalala ang mga iyon.

"T-Talaga?" Gulat na saad ko habang nakatingin sa kaniya.

"Talagang-talaga. Tsaka, they like what I like so.....they will like you. I promise." Nakangiting saad nito at piningot ang ilong ko.

"So you like me?" Tanong ko pa sa kaniya habang sobrang lakas ang kabog ng dibdib.

Akala ko ng nakaraan ang nagbibiro lang ito ng sabihin may gusto nga siya sa akin mula pa noon. Akala ko sinabi lang niya iyon para patawarin ko siya.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora