Special Chapter: First kiss

777 47 2
                                    

I'm totally shocked rightnow with her confession. Para lang siyang bombang biglang sumabog at nasapol ako on the spot. Siguro dahil lasing siya kaya siya nagkakaganito ngayon.

I just need to calm myself.

"Drake, gusto mo ba ang babaeng 'yun?" Bumaba ulit sa kaniya ang paningin ko pero nakababa din ang tingin nito. Tinaas ko naman ang mukha nito gamit ang magkabila kung kamay at agad na nagulat ng makita itong umiiyak.

"Why are you crying?" Tanong ko sa kaniya habang pinapahiran ang mga luha nito.

"Ikaw kasi eh! Dinala mo lang pala ako dito para makita ang paglalandi mo." Saad nito dahilan para matigilan ako pero agad rin na natawa at niyakap siya.

"You're so cute when you get jealous. But don't be. I don't like her even a little bit. And I have this someone that I like anyway." Agad naman ako nitong sinamaan ng tingin.

"Sino naman ah?!" Pft. She's so cute when she gets drunk. And she's hot too... dammit!

"You." I sincerely said while looking at her eyes that was now filled with some emotions.

"A-Ako? Gusto mo'ko?" Ngumiti naman ako saka tumango.

'I like you since I lay my eyes on you.'

Masyado lang akong nilamon ng inis noon kaya nalimutan ko iyon ng pansamantala pero ngayon ay alalang-alala ko pa rin ang unang beses ng makita ko siya.

It was like....my whole world stopped and went blank and she's the only one that was shining.

She's the first woman to make my heart pound loud and clear.

"G-Gusto din kita." Saad pa nito habang nakatingin sa mga mata ko dahilan para kumabog na naman ng malakas ng puso ko.

Damn this woman!

Agad kung hinawakan ang baba nito at inilapit ang labi sa labi nito. At ng oras na lumapit ang labi ko sa labi niya ay agad na namang naulit ang scenario na iyon. Tumigil na naman ang buo kung paligid at tanging siya lang ang nakikita ko.

Kunting panahon lang na nagdikit ang labi naming dalawa pero para sa akin ay para bang sobrang tagal na niyon at tila hindi na mabura-bura sa isip ko at sa kabiktaran ay nagpapaulit-ulit ito sa isip ko habang nakatingin ngayon sa kaniya. "I really like you." Saad ko pa at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit.

Sa mga oras na palagi kaming nagsasamang dalawa ng nga nakaraan ay palagi ko na lang pinipigilan ang sarili ko na mas lalong mapalapit sa kaniya pero iba ang nangyayari. Mas lalo kaming naglalapit na dalawa.

Hindi ko inakala na dadating ang oras na ito. Akala ko noon ay hanggang panaginip ko na lang lahat dahil hindi naman siya nagpapakita ng mga nararamdaman niya.

"You can't go back to your words Stella. You can't go back..." Bulong ko sa kaniya.

"I won't. Hindi kita ibibigay sa iba. Akin ka lang." Natawa naman ako dahil sa sinabi nito pero it feel nice at the same time.

"Sayo lang ako. Pangako." Nakangiting saad ko saka niyakap ulit ito.

Ahhhhh! My heart.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now