03

3.5K 207 77
                                    

"Bakit ka na naman nandito?" Walang kainteres-interes na tanong ni Stella habang nakatingin sa akin.

It hurts everytime she's acting like that. It's been a week since I started to go here in her house to see her and our child.

The funny and cheerful girl that I've known before was now totally changed into someone else. She's not the Stella the I know.

And it is all my fault.

I knew it from the very beginning that this will happen but I still chose to leave her.

But...

It's the best option that time to change my self.

"I want to see you and our child." Nakangiting saad ko at inilahad ang isang bouquet ng bulaklak pero tiningnan niya lang iyon na para walang kakuwenta-kuwentang bagay iyon.

"Ikaw na pala ang nagbibigay ngayon? Angas nun, no? Bakla kang umalis pero lalaki kang bumalik. Ano nakain mo? Tite ng dinosaur?" Ito lang ang ugaling hindi nagbabago sa kaniya. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin ng walang alinlangan.

I never been gay all my freaking life if you just know, Stella. Nagpanggap lang ako para manatiling nasa tabi mo palagi. Dahil tiyak na hindi ako makakalapit at hindi mo ako kakausapin palagi kapag nalaman mo na lalaki ako.  Ayaw mo sa lalaki, hindi ba? Dahil wala na silang ginawa kung hindi ang saktan ka? Kaya ako nagpanggap noon na bakla para makalapit pa rin sa'yo. Para makasama pa rin kita.

Umalis ako para baguhin ang sarili. Gusto ko pagbalik ko ay dala ko na yung tapang na aminin sa'yo na lalaki talaga ako. Aminin sa'yo na matagal na kitang mahal. Sa mga nakalipas na buwan ay ikaw lang ang naging laman ng isip ko. Hindi ka na mawala-wala sa sistema ko. Hindi ko gustong iwan ka nang panahon na iyon. At sana ay hindi na lang ako umalis nang panahon na iyon kung nalaman ko lang na magkakaanak pala tayo. Sana hindi na lang ako umalis para hindi ka ganito kagalit ngayon sa akin. Sana noon pa lang ay nilakasan ko na lang ang loob ko...

Pasensiya ka na, Stella.

Kung puwede ko lang na maibalik ang dati ay ginawa ko na.

Gustong-gusto kung sabihin sa kaniya lahat iyon pero tiyak na hindi niya rin iyon paniniwalaan lalo na at napuno na ng galit ang puso nito.

"Take it. I buy it for you." Saad ko at napangiti nang kunin niya iyon pero agad rin akong natigilan nang bigla na lang nito iyong inilaglag sa sahig at basta-basta na lang inapakan.

"Kahit isang milyon pang bulaklak ang ibigay mo sa akin ay hinding-
hindi pa rin kita mapapatawad. Umalis ka na nga! Panira ka ng araw, eh." Hindi ako natinag at nanatili pa rin sa kinatatayuan ko. Makapal na kung makapal ang mukha pero gagawin ko ang lahat para mapatawad lang niya ako at mahawakan ko yung anak ko.

Pero lahat ng sinasabi nito na masasakit ay bumabaon sa puso ko pero wala akong magagawa dahil kasalanan ko rin naman kaya nagkakaganito siya ngayon.

Iniwan ko siya noong panahon na kailangang-kailangan niya ako...

Pinagkatiwalaan ako nito noon dahil kaibigan niya ako pero humantong lahat sa ganito. Pinagsisisihan ko kung bakit ko pa ginawa ang dare na iyon.

Dahil sa kalasingan at biruan lang naman dapat iyon. Pero tinotoo ko. Mas pinili ko yung makasariling desisyon. Puwede ko namang tanggihan ang dare na iyon. Pero hindi ko ginawa.

Damn! If I can just go back to the past and rewrite our story. But I know that I can't do that anymore...

I'm sorry... I'm really sorry...

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now