17

1.6K 90 3
                                    

"Drake ang sakit na naman!" Umiiyak na sigaw ko habang namimilipit sa sakit.

May dalaw ako ngayon. Actually kahapon pa dumating pero ngayon lang sumakit. Ang sakit talaga parang pinipiga ang mga lamang loob ko sa sakit.

"Shit! Again? Sandali kukuha ako ng pain reliever." Tumatakbong umalis ito kaya naiwan naman akong namimilipit sa sakit. Ganito na lang palagi kapag dumadating ang dalaw ko.

"I'm here now. You'll be alright. Hush now." Napakapit ako ng mariin sa damit nito habang pinipigilang maiyak sa sakit ng dahan-dahan nito akong patuwirin. Maya-maya ay may naramdaman akong nilagay ito sa tiyan ko. Ito siguro 'yung nilagay niya rin ng nakaraan.

Naramdaman ko namang pinahid naman nito ang luha ko at hinalikan ako sa noo dahilan para kumalma ako. Ewan ko pero parang gumaan ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.

"Maayos na ba ang pakiramdaman mo? Sobrang sakit ba talaga? Gusto dalhin na kita sa ospital?" Sunod-sunod na tanong nito. Nagmulat naman ako saka ngumiti.

"Medyo umaayos na. Salamat sayo." Sambit ko habang nakatingin sa kaniya.

"Good then. Wait for a minute here. Ipagtitimpla kita ng mainit na tsokolate." Bago ito umalis ay hinalikan pa ulit ako nito sa noo.

Napahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na masyadong masakit ang puson ko ngayon. Noon ng kami lang ni Nanay ay palaging ito ang problem ko. Hangga't-hindi natatapos ang menstrual period ko ay hindi rin titigil ang sakit.

Noon ay maligamgam na tubig na nasa bote ang nilalagay lang sa may puson ko para hindi masyadong sumakit pero kapag kinuha ay babalik rin naman 'yung sakit. Hindi kagaya nito ngayon sa nilagay ni Drake na isa o dalawang strip lang ay hindi na sumasakit ang puson ko. Plus pa 'yung alaga nito at pag-aalala.

Narinig ko namang bumukas ang pintuan kaya naman nagmulat ako saka bumangon pero agad naman itong lumapit at inalalayan ako. "Don't move too much. Baka sumakit ulit 'yung puson mo." Alalang saad nito kaya napangiti na lang ako.

Sa mga nakaraang buwan na nanatili ako dito at nagiging ganito ang sitwasyon, hindi niya talaga mapigilan ang sariling hindi nag-alala sa akin. Bawat galaw ko ay limitado dahil baka raw sumakit na naman. At lihim na lang akong sumasaya sa mga ginagawa niyang iyon.

"Maayos na ba ang pakiramdaman mo?" Tumango naman ako saka ngumiti.

"Nakakailang tanong ka na niyan sa akin. Oo, ayos na ako. Ang galing kasi ng nag-aalaga sa akin eh." Ngiting-ngiti naman ang mokong saka binigay ang mainit na tsokolate kaya natawa na lang ako.

"Sure ka talaga na ayaw mong magpadala sa ospital? Baka mamaya ay may sakit ka na pala diyan sa loob tapos hindi mo lang alam."  Alalang asik nito.

"Normal lang sa mga babae 'yung sumasakit ang puson nila kapag may dalaw. Ganoon talaga kaya huwag ka ng mag-alala ng sobra diyan." Sagot ko naman sa kaniya at humigop sa ginawa nitong tsokolate.

Sarap.

"Nasaan na nga pala si Astreed?" Tanong ko sa kaniya.

"Andoon kay Nanay. Nagbobonding silang dalawa sa salas." Napatango-tango naman ako saka sumigop na ulit ng mainit na tsokolate.

Naging tahimik naman kaming dalawa pero hinayaan ko na lang muna iyon at enenjoy ang pag-inom ng gawa nito.

Maya-maya ay napatingin naman ako sa kaniya ng may maalala. "Drake may traba---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makitang mahimbing itong natutulog sa tabi ko.

Uminat naman ako saka inilagay sa taas ng bed side table ang mug saka inayos ang pagkakahiga ni Drake.

Hindi na sumasakit ang puson ko kaya nakakagalaw na ako ulit.

Kinumutan ko naman ito saka napatingin sa mukha niya na malapit lang rin sa mukha ko. Halatang pagod ito. Siguro ay dahil sa trabaho nito plus pa 'yung pag-aalaga nito sa akin at paggawa ng ibang gawaing bahay..

Kung hindi lang sana dumating ang dalaw ko ay ako na sana ang gumawa ng mga gawaing bahay at hindi na sana siya napagod na alagaan ako.

Hinaplos ko naman ang pisngi nito. "Patawad." Mahinang saad ko habang hinahaplos ang pisngi nito pero nagulat na lang ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit.

"Smell like Stella. So good..." Mahinang sambit pa nito at mas lalong inilapit ang sarili sa akin.

Natawa na lang ako ng mahina saka paunti-unti ng binabaklas ang mga braso nito na nakayakap sa akin at ng tuluyan ng makawala ay tahimik naman akong bumangon at inayos na ulit ang pagkakahiga nito. "Ikaw naman ang magpahinga at ako naman ang gagawa ng mga gawain." Sambit ko pa saka hinalikan ito sa noo.

Balak ko na sanang umalis ng biglang tumunog ang cellphone nito na nakalagay sa ibabaw ng bed side table.

Wala na sana akong balak na pansinin iyon dahil pribadong bagay iyon ni Drake pero hindi ko na napagilan pa ng huli ng mahuli ang sarili. Nabasa ko na ang text na nakalagay.

Nana:

Andiyan ba siya? Sabihan mo'ko pagwala para makapunta na ako, okay? By the way, I miss you.

Napatingin naman ako kay Drake ng ilang sandali at bumalik sa cellphone ang paningin.

Bigla akong nakaramdam ng confusion dahil sa nabasa. Sinong siya ang ibig sabihin ni Nana? Ako ba? Bakit pupunta siya kapag wala na ako? I miss you?

Hanggang sa makaalis doon at sa pagtatrabaho ay hindi na nawala sa isip ko ang nga nabasa. Nagpapaulit-ulit na iyon sa isipan ko hanggang sa gumabi.

Wala lang naman iyon para sa akin pero hindi ko lang rin maiwasang hindi magtaka at magduda.

Anong gagawin nila kapag wala ako?

Tanong na hindi talaga mawala-wala sa isip ko. At ang dami ng binubuong hinuha ang utak ko at....hindi maganda iyon.

Ano kaya kung may tinatago silang dalawa? Ano kaya kung may relasiyon pala sila na higit pa sa magkaibigan?

Hanggang sa mga sumunod na araw ay nadala ko ang mga isiping iyon at pati na rin ang mga nabubuong kaisapan sa utak ko at ibang mga bagay-bagay.

At doon na rin ako nagsimulang magduda sa kaniya...

Ako ba talaga ang para sayo?

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now