13

1.8K 109 3
                                    

"Stella?" Agad na tawag ko ng magising at wala na ito sa higaan.

Bigla naman akong kinabahan at agad na bumangon sa pagkakahiga. "Did she leave again?" Mahinang tanong ko habang naglalakad palabas ng kwarto.

But we are fine---oh... I don't know if we are really fine.

Parang ayos lang rin naman kami ng nakaraan pero paggising ko ay wala na siya.

Maybe she's just pretending to be okay with my presence even if it's really not.

"Stella?" Tawag ko sa kaniya habang pababa ng hagdan. Umaasa na sumagot ito. Pero makaraan ang ilang mga sandali ay walang tumugon dahilan para kumirot naman ang puso ko pero idinaan ko na lang sa buntong-hininga iyon.

Siguro nga ay umalis nga siya.

Naupo na lang ako sa sofa saka napatingin sa kawalan ng ilang sandali saka agad na yumuko at napatingin sa sahig ng may tumulong isang butil ng likido doon.

I thought we are okay. I thought that she's now okay. Bakit ba kailangan akong masaktan ng ganito...

"Are you okay?" Agad akong napataas ng tingin sa harapan ko at agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita siya.

Hindi siya umalis...

"Why are you----" Agad ko itong niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na para bang isang batang natatakot na mawala ang paborito nitong laruan.

"Akala ko ay iniwan mo ako ulit. Thought that you'll leave me again scared the fuck of me." Mahinang saad ko.

"Kaya ba umiyak ka?" Tanong nito habang natatawang ipinahid ang luha ko kaya agad naman akong napaiwas ng tingin at naramdaman ko ang pisngi ko na tila biglang nag-init.

"I'm not crying." Asik ko pero hinawakan lang ako nito sa pisngi saka pinaharap sa kaniya habang natatawa pa rin.

"Huwag ka ng umiyak, oy! Andito naman ako eh. Hindi kita iniwan. Tsaka, ang pangit mo kapag umiiyak parang asong galisin---"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay agad na akong dumukwang at hinalikan ito sa labi. Just a peek kiss on the lips. "Mabuti at hindi mo na naisipan na iwanan ako ulit." Marahan kung hinaplos ang pisngi nito habang tinititigan ang buo nitong mukha pero nag-iwas naman ito ng tingin.

"Wala naman akong mapupuntahan kapag umalis ako dito." Lumapad naman ang ngiti ko saka niyakap siya ulit.

"Kaya nga huwag ka ng umalis dito." Saad ko naman habang nasa ganoon pa ring posisyon pero agad naman kaming napatingin ng may tumikhim.

"Mukhang nagkasundo na kayong dalawa ah." Sambit ni Nanay Selia habang nakatingin sa amin mula ulo hanggang paa habang ngiting-ngiti pa.

Napasunod naman ang tingin ko roon at biglang nakaramdam ng hiya ng makitang nakapatong pala si Stella sa mga hita ko habang ako naman ay yakap-yakap siya. Mukhang narealize din nito ang posisyon namin kaya agad naman itong tumayo at ako naman ay kinalas na ang mga kamay na nakapulupot sa kaniya.

"Hindi po 'yun gano'n kung ano man pong iniisip niyo ngayon." Agad na saad ko.

"Wala naman akong iniisip ah." Tatawa-tawang saad naman ni Nanay Selia habang nanunukso ang mga tingin.

"Nay, tara na nga po sa kusina! Baka masunog 'yung niluluto natin." Nagmamadaling umalis naman si Stella habang hawak-hawak si Nanay Selia na tawa pa rin ng tawa.

Napangiti naman akong sununod sa kanila papunta roon at naabotan silang naglalagay ng ulam sa bowl.

"Nasaan si Astreed?" Tanong ko naman sa kanila.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now