20

1.5K 82 4
                                    

"Stella, I'm home!" Pasigaw na tawag ko sa kaniya at inilapag ang isang box ng cake na binili ko habang papauwi ako.

"Nakarating ka na pala Drake. Bakit mo hinahanap si Stella?" Lumitaw si Nanay Selia habang bubat-buhat si Astreed.

"Nasaan ho si Stella, Nay?" Nakangiting tanong ko saka kinuha si Astreed mula sa kaniya.

"Diba pumunta sa opisina mo? Grabi pa nga 'yung paghahanda niya kanina eh. Excited na excited na makita ka ata." Aning kinikilig pa ito.

"Pero hindi ko naman po siya nakita doon. Walang dumating na Stella kanina." Saad ko.

"Eh saan pumunta 'yun? Kanina pa siya umalis dito eh dahil nabored. Kaya ka niya gustong puntahan dahil sinabi ko na tulungan ka niya sa mga gawain mo doon. Ayon at pumayag naman siya. Ano't hindi siya nakarating?" Nagsimula naman akong kabahan kaya kinuha ko naman kaagad nag cellphone ko saka idinial ang numero niya pero ring lang ng ring lang ito.

"May alam po ba kayo na pwede niyang punatahan?" Tanong ko kay Nanay habang tinatawagan ulit ang numero ni Stella.

"Wala eh. Wala naman kaming pamilya dito at kung may kaibigan man si Stella dito ay malayo rin mula dito iyon." Agad ko namang ibinigay ulit si Astreed kay Nanay saka nilagay sa bulsan ang cellphone.

"Dito po muna kayo. Hahanapin ko lang po muna siya. Baka naligaw lang siya lalo na at hindi naman siyang palaging pumupunta sa opisina." Tumango naman ito kaya dali-dali na akong lumabas at agad na sumakay sa kotse.

Stella....asan ka na naman ba?

Habang nasa daan ay palinga-linga ako sa paligid. Maggagabi na at padilim na ng padilim ang daan. Tanging mga ilaw ng street lights at kotse ang nagsisilbing ilaw ko ngayon.

Tinawagan ko pa ulit ang numero niya pero wala pa ring sumasagot.

Parang nangyayari na naman ulit.

Did she leave again?

Isipin iyon ay parang may sumasakal sa puso ko. Hindi ko namalayan ay tumutulo na pala ang luha ko habang nagmamaneho at nagsisisigaw ng pangalan niya.

"Stella! Where are you?" Sigaw ko ps ulit at hindi binigyan ng pakialam ang mga taong nakatingin na sa akin.

Kailangan ko siyang mahanap. Kaikangan ko siyang mahanap.

Pero makaraan ang apat na oras na pagsisisigaw at paghahanap sa kaniya ay wala akong Stella na nakita. Walang Stella na lumitaw at nagsabing 'andito ako'.

Tahimik kung ipinarada ang sasakyan sa labas ng bahay saka pumasok at agad na hinanap si Astreed at nakita ko sila ni Nanay na nasa salas. Kusa na lang akong nakayakap sa kanilang dalawa at tumulo na naman ang mga luha. "A-Anong nangyari?" Tanong ni Nanay habang hinahagod ang likod ko.

"Nawala na naman siya, Nay. Iniwan niya na naman tayo ulit." Sagot ko at sa bawat katagang sinambit ko ay siya ring kutsilyong tumutusok at bumabaon sa puso ko.

"Huwag mong sabihin 'yan Drake. B-Baka may pinuntahan lang siya. Babalik siya. Babalikan niya kayo ng anak mo. Sandali at ako ang maghahanap sa kaniya. Baka nasa labas lang siya---"

"Huwag na po Nay. Mapapagod lang po kayo kakahanap sa taong ayaw magpahanap. Hayaan na lang muna natin siya. Minsan ay nakakapagod ring maghabol." Nakangiting saad ko saka kinuha si Astreed na nakatingin sa akin. "Akyat na po muna kami. Magpapahinga na muna kami ng anak ko. Masyadong nakakapagod ang araw na 'to." Iyon lang at umakyat na ako sa taas.

Nagulat naman ako at napatigil ng maramdaman may pumapahid sa mga luha ko at ng makitang si Astreed iyon ay agad naman akong napayakap ulit sa kaniya.

"Hindi ko na alam anak ang gagawin ko ngayon. Wala na naman ang Mommy mo. Iniwan na naman niya tayo. Paano ba 'yan? Dalawa na lang ulit tayo. Kaya natin 'to diba? Kakayanin natin 'to." Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. Para bang nawalan na ako ng lakas.

Hindi ko alam kung kakayanin ko nga ba ito.

Stella....why did you leave again?

Napabuntong-hininga na lang ako saka agad na pumasok sa kwarto at dumeritso sa kama at nahiga. Yakap-yakap ko lang ang anak ko habang nakatingin sa space sa kama. Napangiti na lang ako ng mapakla.

Bakit ganito...bakit ang saklap ng mundo sa akin.

Gusto ko lang naman mabuo ang pamilya ko ah. Gusto ko lang naman na hindi na kami magkahiwalay.

Mahirap bang hiling iyon para hindi matupad?

Bakit palagi na lang siyang umaalis ng walang paalam?

Akala ko ayos lang kami. Akala ko talaga...

Sinabi niya namang ayos lang kami kanina eh. Kasinungalingang lang ba iyon? Kasinungalingang lang ba lahat ng pinapakita niya?

"Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko ngayon." Sambit ko saka tumingin sa anak ko na hawak-hawak ang mukha ko. Nakatingin lang ito na para  bang sinasaulo ang mukha ko pero nakangiti ito.

Niyakap ko na lang siya ulit at tuluyan ng ipinikit ang mga mata at nagbabasakaling makatulog na kaagad at biglang magising at isang panaginip lang pala ang lahat pero wala.

Nagising ako, oo. Pero ang mga nangyari ay totoo at hindi panaginip.

Napabangon naman ako at nakita ang anak ko na nakayakap sa mga braso. Napangiti naman ako dahil doon. Mag-ingat ko na itong binuhat saka nilagay sa crib nito.

Napatingin ako sa kama at napabuntong-hininga hininga na lang at lumubas na ng kwarto saka dumeritso sa ref at nagbukas ng isang bote ng alak.

Bigla ko namang kinapa ang isang bagay na nasa bulsa ko at agad na nilagay iyon sa mesa at tinitigan ng ilang sandali bago tuluyang itaas at binuksan. Agad na tumambad sa akin ang isang singsing na napapalibutan ng maliliit na bato na diamonds at sa gitna ay merong pulang hiyas. "Bakit ngayon ka pa umalis?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa singsing na hawak.

Natawa na lang ako at itinapon iyon saka nagpatuloy sa pag-inom.

Nang tuluyang maubos ang isang bote ng alak ay tumayo na ako at agad na napatingin sa pinagtapunan ko ng singsing at agad na lang ulit na natawa saka napailing.

Damn! I'm fucking tired.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now