Special Chapter: First baby

944 54 1
                                    

"Drake! Manganganak na ako----ahhhh! Ang sakitttt!"

"Calm down. Calm down. It will be okay. Yes... Yes! You and the baby will be okay. I'm just here, okay?" Pagpapalakas ng loob nito.

Kumuha naman ako ng malalim na hininga saka ngumiti sa kaniya. "Yes, magiging okay lang kami." Saad ko saka napaigik dahil sa sakit ng tiyan ko.

"Hihintayin ko kayo. Magiging maayos ang lahat. Magiging maayos ang lahat." Alam kung kinakabahan na rin si Drake ngayon lalo na sa sinabi ng doktor noon sa amin.

Delikado ang pagbubuntis ko at possible na may mangyaring masama sa amin. May posibilad na mamatay siya o ako o kami pareho.

Sinabi ni Drake noon na ipalaglag na lang ang bata para hindi na manganiv ang buhay ko pero hindi ako pumayag. Ayaw kung mawala ang anak namin. Ayaw ko.

"Magiging maayos ang lahat." Pabulong na saad ko habang nakatingin sa kaniya at ng tuluyan sumara ang pintuan ay parang naging blurry na ang paningin ko. Para bang unti-unti nawawala ang lakas sa katawan ko. At ang paningin ko ay unti-unti na ring nandilim.

"MAGIGING MAAYOS SILA." Bulong ko sa sarili habang pabalik-balik sa harapan ng pintuan. Hindi mapakali sa kung ano na ang  nangyayari sa loob.

Labis-labis ngayon ang kaba ko habang nagpapalakad-lakad. Hindi ko na alam kung anong iisipin. Lahat ng posibilad ay pumapasok na sa utak ko. Mapamasama man o mabuti.

At nadadagdagan ang kaba at at takot ko pero kailangan kung maging matatag. Kailangan ko...para sa mag-ina ko.

Bigla naman akong napatingin sa babaeng matanda na sumulpot sa tabi ko. "Gusto mo ba munang magdasal? Makakabuti iyon para kumalma ka sandali. Kanina pa kasi kita nakikita na pabalik Iho." Tumango naman agad ako.

"Opo sana. Saan po ba ang chapel dito?" Tanong ko at tinuro naman nito ang daan sa akin. Nagpasalamat pa muna ako bago umalis at tinungo ang chapel at agad ko rin naman iyong nakita.

Lumuhod naman ako at nag-sign of a cross pa muna bago magsimula habang nakapikit ang nga mata. "Alam ko pong minsan lang akong sumamba sa inyo. At madami rin po akong nagawang kasalanan pero sana...sana iligtas niyo po ang mag-ina ko. Maawa po kayo. Kahit sa isang ito lang. I will make sure that I will pray more often. Please, help my wife and my child. They are now suffering and I can't do anything. Kayo lang po ang may kapangyarihan na iligtas sila..." Makaraan ang ilang sandali ay tumayo na ako at agad na ipinahid na kumawala sa mata ko saka umalis para balikan ang mag-ina ko.

Nang makarating ay naupo na muna ako sa upuan sa gilid at naghintay sa resulta. At maya-maya nga lang ay bumukas na ng tuluyan ang pintuan at lumabas ang doktor. Dali-dali naman akong tumayo saka lumapit sa kaniya. " Kamusta po doc 'yung asawa ko? Maayos po ba siya? Ang baby namin?" Sunod-sunod na tanong ko..

"Kumalma lang po kayo, Mister. Luckily, your child is okay." Nakahinga naman ng maluwag pero agad ring napatigil.

"And how about my wife?" Tanong ko pa ulit.

"She's fine too. Masyadong delikado ang naging operasiyon pero matapang ang asawa niyo. Kinaya niya lahat para sa inyo. Ang kailangan na lang ngayon ay bantayang mabuti silang dalawa. They need alot of rest. Bawal mastress si Misis. At kailangan ng mabuting alaga." Napatango-tango naman ako saka ngumiti sa doktor.

"Salamat po doc. Maraming salamat po." Ngumiti rin naman ito saka senenyasan ako na pwede na raw pumasok pero huwag lang gigisingin si Stella dahil nagpapahinga pa ito dahil kakatapos lang ng operasiyon.

Nang makapasok sa loob ay unti-unti naman akong lumapit sa kaniya at naupo sa tabi nito. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha nito.

Napakaganda talaga.

She's the most beautiful woman I ever see.

Unti-unti ko namang itinaas ang kamay nito at hinalikan iyon at sinunod ang noo nito. "I love you and Holy. We are now a family. I have my own family..."

My wife...
My daughter...
I love them...very much.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now