07

2.2K 130 23
                                    

"Stella! Come here in dining area. Kakain na tayo." Pasigaw na tawag ko sa babaeng nasa taas. Ganito na lang palagi. Tinatawag ito kapag luto na ang pagkain. Kagaya ng mga nakaraan ay ayaw niya pa rin akong makasama sa isang lugar sa matagal na panahon.

Palihim naman akong napangiti ng makita na buhat-buhat nito ang bata habang bumaba. Hindi ko na pinansin ang masama nitong tingin.

Nag-iwan lang naman ako ng note sa kuwarto kanina.

Alagaan mo ang anak natin o igagapos kita ulit.

It maybe sound harsh but I'm glad that it works. I don't have the plan to tie her again though. It'll just hurt her.

"Ang pangit mo!" Walang boses na saad nito saka inirapan ako bago nagsimulamg kumuha na ng pagkain. "Ang hirap namang gumalaw nito." Pagpaparinig nito kaya tumayo na ako at kinuha ang bata mula sa kaniya kaya gumuhit ang mala-demonyong ngiti nito.

"You're happy with that, huh?" Hindi ko napigilan ang sarili na sabihin iyon. Masyado akong nadala sa masayang ngiti nito na halos ngayon ko na lang ulit nakita.

Agad namang nawala ang ngiti sa labi nito at bumalik ang dati niyang ekspresiyon kaya napakuyom na lang ang palad ko at walang ingay na bumuntong-hininga.

Sana hindi na lang ako nagsalita.

Binalot naman ulit kami ng katahimikan at tanging mga kubyertos lang ang gumagawa ng ingay pero nabasag din iyon kinalaunan. "Huwag mo nga akong titigan!" Singhal nito sa akin.

"Hindi naman ako nakatitig, ah." Tanggi ko at agad na tumingin kay Astreed nang samaan ako nito ng tingin.

"Huli na kita huwag ka ng mag-deny." Naiinis na sabi pa nito.

Palagi na lang galit o hindi kaya ay naiinis...

"Astreed yung mommy mo nagiging assuming na. Nakatingin raw ako? Sayo ako nakatingin, diba?" Pagkausap ko pa sa anak. At sa nakakatuwang palad ay ngumiti naman ito na para bang totoo yung sinabi ko. "Oo, no?" Tatango-tangong tanong ko pa at nilaro ang hintuturo sa pisngi nito.

She's really the cutest.

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at sumeryuso na kunwari. Sobrang sama na kasi ng tingin sa akin ni Stella, nakakasunog kaluluwa.

"Nawalan na ako ng gana." Tumayo ito at balak na sanang umalis nang pigilan ko siya.

"I'm just joking, okay? Napakainit naman ng ulo mo. Kain na ulit, oh." Nakangiting sabi ko pa at pinaupo na ulit ito.

"Huwag mo 'kong mabiro-biro ngayon at baka masapak kita ng kutsara sa mata." Pasinghal na asik pa niya bago nagpatuloy sa pagkain.

Si Astreed naman ay dumedede pa rin ng gatas nito na nasa bottle kaya tahimik lang ito. Nakatingin lang ito sa akin.

Hindi siya kagaya ng ibang bata na palaging umiiyak. Pero magaling siyang tumiming umiyak. Kapag nag-aaway kami ni Stella, nagsasagutan, hindi kaya ay inaantok ito o nagugutom. Doon lang siya umiiyak pero kadalasan ay tahimik lang talaga itong anak ko.

Halos dalawang linggo na rin simula ng makabalik si Stella rito sa bahay. Kung susumahin ay sobra sa anim na buwang gulang na si Astreed ngayon. Close na kami ng anak ko, yung Nanay na lang talaga yung problema. Pero hangga't magkakasama kami rito ay ayos na rin. Sigurado kapag tumagal ay magkakaayos din naman kami siguro.

Importantly, andito na ngayon sa akin ang anak ko. Kasama ko na siya at maaalagaan ko na siya ng maayos.  She's my happy pill rightnow. She's my little angel. And my angel is the cutest. Plus her atomic smile that always bombing my heart. Ang ganda-ganda talaga ng ngiti nito manang-mana sa Mommy niya. Yung tipo ng ngiti na nakakawala ng stress at pagod.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now