Special Chapter: We meet again

1K 55 2
                                    

"Stella, can you give this to Neff? She's in accounting department in second building. I have a lot to do so....please?" Saad ng isang bakla na plastic pa sa straw.

Englisheristtt. Sana lahat.

Pero dahil ayaw ko ng gulo kinuha ko na lang iyon sa kaniya sa pekeng ngumiti. "Sure. Wala naman na akong masyadong gagawin." Madami pa! Hayop nakatambak nga sa ilalim ng mesa ko.

"Thanks! The best ka talaga." Pang-eechos pa niya pero ngumiti na lang ako ulit ng peke saka nagpaalam na naaalis.

Halos hindi ko na makita 'yung nasa daan dahil sa mga dala ko. At isa pa 'tong sandals ko na ang sakit sa paa. Pero hindi na lang ako tumigil at nagpatuloy na para mapabilis ang trabaho.

Dahil nasa ikalawang building pa 'yung pagdadalhan ko nito. Todo 'yung hingal ko. Hayoppp naman.

Nang makita ko ang elevator ay agad naman akong lumapit doon pero bigla ring hinarang ng isang guard.  "Kuya nagmamadali ako." Saad ko.

"Halata nga po Maam pero pasensiya na po dahil inaayos pa ngayon ang elevator. Baka mamaya pa ulit pwedeng magamit." Kung mamalasin ka nga naman oh!

May inaayos nga pala ngayon sa elevator dahil nasira ito kahapon kaya hindi pa pwedeng gamitin. Bakit ko ba nakalimutan 'yun?! Arghhhh!

Nang makarating sa baba ay parang asong hindi nakainom ng tubig ang mukha ko. "Mukhang plinano nila 'to ah." Bulong ko habang naglalakad papunta sa labas.

Nasa kabila lang naman ang ikalawang building mga ten meters away from our building.

Nangangalay na talaga 'yung mga braso at hita ko. Parang bibigay na talaga pero bawal magsayang ng oras.

Ang dami ko pang gagawin pagbalik!

Sana hindi ko na lang tinanggap kasi. Kaso alam ko namang magpaparinig na naman sila kapag hindi ko ginawa. Arghhhh.

Binilisan ko na lang ang paglalakad ng malapasok sa building two saka napahinga ng maluwag ng may makitang elevator.

Agad ko ng pinindot iyon para bumukas pero hindi pa nakakalapat ang daliri ko ay may pumindot na n'on.

"Do you want some help Miss?"

Agad naman akong ngumiti ng marinig iyon. Yes! May tutulong na din saakin. "Oo sana. Pwede ba?" Tanong ko saka humarap sa gawi niya at agad na nanlaki ang mgs mata ko ng makita kung sino iyon. "Ikaw?!" Sabay na sigaw namin habang sinasamaan ng tingin ang isa't-isa.

"I don't want to help such a woman like you." Agad na bawi nito.

"At hindi ko rin naman kailangan ng tulong ng bastos na kagaya mo. Pervert!" Sigaw ko sa kaniya pero isang masamang tingin kaagad ang binigay nito dahilan para mapalunok naman ako at unti-unting napaatras pero umaabante naman ito papunta sa gawi ko.

"L-Lumayo ka!" Parang nawala bigla ang lakas ng mga tuhod ko ng makita na ang lapit-lapit na ng mukha nito sa akin.

Shit! Ang puso ko....parang sasabog!

"Miss...why do you keep calling me pervert, hm?" Agad kung naamoy ang mabango nitong hininga. Unti-unti namang bumaba ang tingin ko mula sa mga mata niya pababa sa labi niya at agad na napalunok at napabalik ulit sa mga mata niya at halos mag-init ang buo kung mukha ng makitang nakangisi na ito habang nakatingin pa rin sa akin.

Shit! Anong gagawin ko?!

Tyempo namang bumukas ang elevator kaya agad na akong tumakbo palabas pero agad ring nadapa dahil parang walang lakas na ang mga paa ko. Nasa sahig na ang mga papeles na dala ko. "Miss!" Nang marinig iyon ay agad na akong tumayo at tumakbo. Pinilit kung huwag madapa ulit.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapunta ako sa kung saan. Agad na akong nagtago sa may gilid at napahawak sa dibdib ko dahil ang lakas-lakas ng kabog nun.

"Miss?" Agad naman akong napatingin doon at nakita ang isang lalaki. Nakatingin ito mula taas hanggang baba pero tumigil ang paningin nito at tumitig sa may ilalim ko banda kaya napatingin na rin ako doon at agad na nanlaki ang mata ng makita kung anong tinitingnan niya. Tumaas ang palda ko at nakikita na roon ang balat ko na hindi dapat. Agad kung binaba iyon at balak na sanang umalis pero bigla na lang ako nitong hinawakan sa braso. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Singhal ko sa kaniya habang pilit na inaagaw ang braso ko.

"Sandali Miss. Dito ma muna. Magsasaya tayo." Bulong nito dahilan para manindig ang balahibo ko at agad na nagpumiglas ng nagpumiglas.

"Bitawan mo'ko sabi! Nasasaktan ako! Tulongggg----" agad nitong tinabunan ang bibig ko habang hinihila papunta sa kung saan. Ako naman ay todo sa pagpupumiglas pero isang malakas na suntok sa tiyan ang binigay nito na nakapagpatigil sa akin. Parang nanghina ang lahat ko dahil doon at unti-unting nawalan ng lakas ang buo kung pagkatao at unti-unting pumikit ang mga mata ko.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt