18

1.4K 83 2
                                    

"Hey, good morning." Bati ko kay Stella at yumakap sa kaniya at balak sanang halikan ito sa pisngi pero agad itong umiwas.

"Kumain ka na at magbihis. Baka malate ka sa trabaho mo." Saad nito habang nag-aayos ng mga bagay sa cabinet dito sa kusina.

Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan na naman ako nito. Hindi nito sinasabi pero nahahalata ko.

Kapag yayakapin ko ito o hahalikan ay agad lang itong iiwas o magpapalusot na may gagawin. Hindi na lang ako umiimik kapag ganoon dahil baka may problema lang ito.

"May problema ba tayo?" Tanong ko sa kaniya pero humarap lang ito saka ngumiti.

"Wala naman. Sige, babalikan ko muna si Astreed doon sa crib niya. Kailangan niya pa palang dumedede." Iyon lang at iniwan na ako nito dito sa kusina.

Napabuntong-hininga na lang ako saka naglakad na papunta sa hapagkainan saka nagsimula ng kumain ng mag-isa.

Bakit ganito? Imbis na umusad ang relasiyon namin ay parang umuurong pa.

Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nagawang masama. Parang ang saya-saya pa nga namin ng mga nakaraan eh.

Napatingin naman ako sa kaniya ng makitang pinapadede nito ang anak namin. Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali. "You're so unpredictable." Lumabas sa bibig ko at napailing na lang at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos ako ay agad na akong dumeritso sa kwarto para maligo ang magbihis.

May trabaho ako ngayon sa kompaniya kaya kailangan kung pumunta doon. Kahit na ayaw kung iwan ang mag-ina ko ay wala na akong magagawa dahil importante iyon.

Kailangan kung kumayod ng mabuti para sa mag-ina ko. Ayaw ko silang dumanas ng hirap hangga't nasa pangangalaga. Mas mabuti na ako na lang ang maghirap kesa sila.

Nang matapos na maisuot ng tuluyan ang damit ko at naayos ang tie ko ay agad na akong lumabas at dumeritso sa opisina para kunin ang nga papeles na kailangan ko ngayong dalhin.

Bumaba na ako at agad na nakita ang mag-ina ko na nasa sofa. Pumunta naman ako sa likuran ni Stella at hinawakan ang baba nito at pinakagilid at inangkin ang labi nito ng walang permeso. "Take care of Astreed and yourself, okay?" Hinalikan ko pa ulit ito sa pisngi at sinunod si Astreed bago umayos na ng tayo saka tumalikod at naglakad.

"M-Mag-iingat ka." Sumaya naman ang puso ko ng marinig iyon. Parang ayaw ko na biglang pumunta sa trabaho pero hindi ko kayang gawin iyon ngayon.

"Hmm. Bye." Paalam ko pa saka bumalik at niyakap silang dalawa ng mahigpit saka nginitian siya. "We are okay, right?" Tanong ko pa sa kaniya.

Gusto kung masigurado kung ayos lang ba talaga kaming dalawa.

"O-Oo naman." Napahinga naman ako ng maluwag saka hinalikan ito ulit.

"Nice to here that then. Bye, I really have to go. Sisikapin kung nakauwi kaagad." Saad ko pa saka tuluyan ng naglakad palabas at sumakay na sa kotse ko na nakaparada lang sa labas.

Hindi ko na pipabantay ang dalawa dito ngayon dahil hindi naman na umaalis si Stella.

Mabuti nga at hindi na niya naiisipang umalis dito.

Kaya sinisikap ko na hindi kami magkaroon ng away dahil natatakot ako....natatakot ako na gumising na wala na naman siya sa tabi ko.

Maluwag ang biyahe ngayon kaya hindi na ako nahirapang makarating sa kompaniya. Kompaniya ng pamilya namin ito at ngayon ay ako ang nangangalaga dahil sa akin rin naman ito ipapamana ni Daddy ito.

Though this past few years ay siya ang namamahala dito. Pinalitan ko lang siya ngayon dahil gusto rin nitong magpahinga sa trabaho at naiintindihan ko naman iyon.

Nang makarating ay kinuha ko na kaagad ang mga dala kung papeles saka pumasok na sa loob ng building. Kaliwa't-kanan naman ang mga bumabati at tanging ngiti lang naman ang sinasagot ko sa kanila saka dumeritso na sa office ko.

Nang makarating ay agad na akong naupo sa swivel chair ko at binuksan na ang computer ko saka nagsimula na namang magtrabaho.

Kahit na nakakapagod ang trabaho ngayon ay hindi ko na nararamdaman iyon dahil alam ko pag-uwi ay may mag-inang sasalubong sa akin. At sila rin naman ang dahilan bakit ako nagpapaalipin sa trabaho.

Bigla namang nagring ang cellphone ko at hindi ko na kailangan pang alamin kung sino 'yun. "What is it? I'm busy."

"Grabi ka namang kupal ka. Nagstay lang si Stella nakalimutan mo na kaagad ako! Ako na kaibigan mo." Narinig ko pa itong suminok-sinok kaya nailing na lang ako saka natawa.

"Baliw."

"Ganda ba ng acting ko? Sasali kasi ako ng Philippines Got Talent eh. Pwede na bang pambato?" Tumatawang sambit pa nito.

"Dami mong alam. By the way, bakit ka napatawag?" Tanong ko habang pinepermahan ang mga papeles na nasa harapan.

"So ayon nga, diba? Doon sa plano natin? Nasaan ka ba ngayong kupal ka? Pupuntahan kita para makapag-usap tayo ng maayos." Batid kung seryuso na ito kaya napabuntong-hininga naman ako saka sinagot ito.

"Nasa office."

"Gesge, pupunta ako diyan. Siya nga pala. Dala ko na 'yung pinapabili mo." Napangiti naman ako ng marinig iyon.

"Nice."

"Madami ka ng utang sa akin ah. Huwag mo kung kalimutan na bayaran. Walang kai-kaibigan pagdating sa utang." Natawa naman ako ulit.

"Oo na. Oo na. Dalhin mo na lang dito 'yan para makita ko." Iyon lang at pinatay ko na ang tawag saka nagpatuloy na sa mga ginagawa.

Tatapusin ko pa ang mga 'to. Kailangan ko pa mamayang umatend ng meeting.

Ang daming dapat gawin.

Binilisan ko na lang ang mga kilos. Gusto ko pang umuwi mamaya. Gusto kung makasama ang mag-ina ko maghapunan.

Kaikangan kung makauwi.

Isinuot ko na ang glasses ko dahil nagsisimula na namang manlabo ang mga mata ko. Palagi na lang nagkakaganito kapag nabababad ng matagal ang mata ko sa computer.

Ang secretary ko ngayon ay naka-leave dahil siya ang nag-aalaga sa anak niya. Wala na ang asawa niya kaya wala ng magbabantay sa anak niyang may sakit na nasa hospital. Kaya kahit na busy ang sched ngayon ay pinayagan ko na ito. May anak rin naman ako kaya naiintindihan ko siya.

Maya-maya ay napataas naman ang tingin ko ng marinig na may pumasok sa pinto at agad na nakita si Nana.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now