21

1.5K 78 22
                                    

"Stella, let's eat." Tumayo naman ako ng marinig ang boses na iyon saka pumunta sa kusina.

"S-Salamat." Nakangiting saad ko saka naupo sa isang upuan.

"You're still shy? Pft. Don't be, okay? Just eat." Nakangiting saad nito at naupo na rin sa upuan niya.

"Dale, salamat sa tulong at pagpapatuloy mo sa akin dito sa bahay mo. Malaking tulong talaga iyon." Sambit ko habang kumukuha ng kanin.

Nang araw na iyon ay hindi ako umuwi sa bahay. Hindi na rin ako nagpakita sa kanila. Para ano pa? Magpapakasal na sila. Wala na akong parte don.

Nakita ako ni Dale sa daan na umiiyak. At hinang-hina na. Tinulungan ako nito at dinala dito sa bahay niya at simula nun ay dito na ako nagstay dahil wala na akong mapupuntahan.

Mabait naman siyang tao. Wala siyang ginagawang masama sa akin habang nandito ako. Puros kabutihan pa nga ang pinapakita nito. Binilhan pa ako nito ng damit at mga gamit kahit na sinabi kung huwag na.

Halos dalawang buwan na rin akong nananatili dito ngayon. Hindi ko na binalak pang at babalakin pang magpakita kay Drake.

Oo, namimiss ko na 'yung anak ko at siya at si Nanay. Pero ano pa bang magagawa ko? Magpapakasal na sila ni Nana. Kapag bumalik pa ako doon ay baka sabihin pa nila na sinisira ko ang pagsasamahan nilang dalawa dahil bumalik pa ako.

"You remember him?" Tanong nito bigla kaya napakurap naman ako saka mas pinili na huwag ng magsinungaling. Tumango naman ako saka uminom ng tubig.

"Ano na kaya ang buhay nila ngayon? Naalala pa kaya nila ako?" Mahinang tanong ko habang nakatingin sa pagkain na nasa plato ko.

"Of course. Alangan makalimutan ka niya eh ikaw 'yung Nanay ng anak niya."

"Pero hindi naman ako ang mahal niya." Mahinang saad ko naman.

Hindi niya sinabi sa akin na mahal niya ako. Kahit minsan. Oo, sinabi niyang gusto niya ako pero iba ang gusto sa mahal.

Si Nana 'yung mahal niya---'yung gusto niyang pakasalan.

Tinapos ko na lang 'yung pagkain ko saka ako na ang naghugas. Pagkatapos noon ay wala na akong magawa dito.

Napakalaki ng bahay Dale parang kagaya lang rin ng bahay ni Drake. Mayaman rin ito at may trabaho pero mag-isa lang rin ito sa bahay niya.

"Dale, lalabas muna ako ah. Maglalakad-lakad muna ako sa labas." Paalam ko saka nagsuot ng tsinelas.

"Mag-iingat ka, okay? Wait, gusto mo bang samahan na kita?" Tanong niya pero agad na akong umiling.

"Huwag na. Mabilis lang naman ako. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin." Sagot ko saka lumabas na ng pinto at dumeritso palabas sa malaking gate at nagsimula ng maglakad-lakad.

Matagal na rin simula ng makalabas ako. Nagmumokmok lang ako at umiiyak sa bahay ni Dale dati kapag umaalis siya at pumupuntang trabaho.

At minsan kapag nakakatulog ako kakaiyak sa sofa ay nagigising na lang ako na nasa kwarto ko.

Siguro siya ang nagbubuhat sa akin mula sa sofa hanggang sa kama. At nagpapasalamat naman ko dahil doon. Dahil kahit papaano ay may nag-aalaga at nag-aalala pa rin sa akin.

Napakabait na kaibigan ni Dale. Palagi niya na lang pinapagaan ang loob ko. Ang swerte ko oara makatagpo ng ganoong klaseng kaibigan.

Napatingin naman ako sa langit. Hindi pa masyadong mainit. Tamang-tama lang iyon at ang hangin naman ay malamig at presko.

Tamang-tama para maglakad-lakad.

Napatingin naman ako sa harapan at parang nanigas sa kinatatayuan ng makita ang nakaupo sa isang bench.

Agad akong tumakbo papunta sa isang malaking puno at doon nagtago at napahawak sa dibdib.

Nakita ko si Drake kasama si Astreed. Nakaupo sila sa bench habang nakatingin sa harapan kung saan ay umiilaw ang mga building.

Napatitig naman ako sa anak ko at parang gusto ko namang tumakbo papunta sa gawi nito pero pinigilan ko ang sarili.

Napatingin naman ako sa lalaking masayang nakangiti habang nakikipag-usap sa anak. Mas lalo itong gwumapo.

Parang sumaya pa nga siya ng wala ako eh.

Nagulat naman ako at napalunok ng makitang bigla itong tumingin sa gawi ko. Agad naman akong tumalikod at umalis doon saka naglakad na paalis.

"Miss! Wait a second." Dinig kung tawag nito. Ayaw kung tumigil dahil baka makilala ako nito pero wala akong nagawa ng sarili ko ng paa ang tumigil sa paglalakad. "Stella, is that you?" Parang tutulo na ang luha ko ng marinig ang pangalan ko na sinambit nito pero pinigilan ko na ang sarili saka nagsimula na ulit na maglakad... palayo.

"You will leave us again? Really? Hindi ka ba napapagod na umalis? At hindi mo man lang naisapang magpakita sa amin. Maski man lang nung birthday ng anak mo." Doon na tuluyang tumulo ang luha ko at napakagat na lang sa labi at humarap sa gawi nila.

"Momma." Parang may kung ano naman sa puso ko ng marinig na magsalita si Astreed.

Noong umalis ako ay hindi talaga ito nagsasalita. Umiiyak lang talaga ito. Iyon lang pero ang magsalita ay wala. Inakala ko nga noon na baka late ang development nito pero ngayon na narinig ko na...parang ang laki-laki na ng pinagbago niya.

Namalayan ko na lang ang sarili ay tumatakbo na palapit sa kanila habang humahagulhol ng iyak. Agad ko silang niyakap ng mahigpit pero nagulat ng may dalawang kamay na tumuyo sa luha ko. Napamulat naman ako at agad na nakita si Drake na tinutuyo ang kabilang mata ko habang si Astreed naman ay pinupunasan ang kabila ko ring mata.

"Miss you, Mom." Nakangiting saad ni Astreed.

"I miss you too baby. I miss you too." Saad ko saka binuhat ito at niyakap ng mahigpit at pinupog ng halik.

Nagulat naman ako ng may dalawang makikisig na braso ang yumakap rin sa amin at napaluha naman ulit ng maramdaman ang init ng katawan nito. "I badly miss you, Stella." Bulong nito.

Napakagat naman ako ng labi para pigilan ang sarili na huwag sagotin iyon lalo na ng makita ang singsing na nasa daliri nito.

Mahina ko naman itong itinulak saka nginitian. "Don't miss me. You have a wife now, right? I bet she will be jealous if she heard that." Nakangiting saad ko saka tumalikod at naglakad patalikod sa kaniya habang nasa ilalim lang ang tingin para itago ang mga luha na walang tigil na kumakawala sa nga mata ko.

"Stella!" Isang sigaw na umalingaw-ngaw sa pandinig ko kaya napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko na tumatakbo ito papunta sa akin. Pero parang biglang nagslow motion ang lahat ng maramdaman ang malakas na impact na tumama sa katawan ko.

Isang malakas na pagbunggo dahilan para tumilapon kami ng anak ko. Hindi ko na maigalaw lahat sa katawan ko. Lahat-lahat ay biglang sumakit.

Napatingin naman ako sa tabi ko at agad na tumulo ang mga luha ng walang tigil ng makita si Astreed na naliligo na sa sariling dugo. Kahit anong pilit ko na igalaw ang katawan ay wala na akong magawa. Hindi ko magalaw lahat ng sa katawan ko.

Biglang nanlabo ang paningin ko at nabingi na rin. Parang unti-unti na akong kinakain ng kadiliman pero bago iyon ay may nakita akong lalaki na nasa harapan ko at tila nagsasalita.

Pinilit kung itaas ang kamay ko at sa pagkakataong ito ay naigalaw ko nga iyon. Nahaplos ko pa ang pisngi nito at naramdamang nababasa ang mukha ko at doon na unti-unting bumigay ang lahat-lahat ko.

At tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now