Special Chapter: Friends...

848 50 0
                                    

Unti-unti akong napamulat at napabangon ng maalala ang nangyari. Napatingin-tingin ako sa paligid at nasa ospital ako.

"Gising ka na pala. Are you okay?" Ang boses na iyon.

Agad akong napatingin doon at nakita ang lalaki na nakasabay ko sa elevator.

Agad kung tinabunan ang sarili ko ng maalala ang nangyari. 'Yung lalaki kanina na...

"Don't worry. Everything is alright now. You can relax. And I won't do anything." Napatingin naman ako sa kaniya ulit at lumapit naman ito habang nakangiti.

"P-Paano akong napunta dito?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko na alam ang mga nangyari kanina matapos mawalan ng malay dahil sa suntok na ibinigay ng lalaki.

"Nang tumakbo ka kanina.ay sinundan kita para hanapin pero hindi ko alam kung saan ka pumunta. So I decided to go back but suddenly I hear someone shout at one of the hallway. Pinuntahan ko naman iyon at agad kitang nakita na wala ng malay at dala-dala ng isang lalaki."

"A-Anong nangyari---"

"Wala na siya. Dinala na siya sa police station kanina. Wala ka ng dapat na ipag-alala pa." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig.

"I-Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" Tanong ko pa ulit at tumingin sa kaniya.

"Yeah."

"Salamat." Saad ko habang nakatingin sa mga kamay ko pero agad ring may naalala. Teka---parang may nakakalimutan ako ah. "Ikaw! Ikaw 'yung manyak ng nakaraan---" Sigaw ko pero agad nitong tinabunan ang bibig ko.

"Hey! Low down your voice!" Sita nito at binitawan ako pero sinasamaan ko pa din ito ng tingin.

"Bakit? Hindi ba totoo? Manyak ka naman talaga ah!" Singhal ko pa sa kaniya.

"What the---manyak? Tinulungan na nga kita ng time na 'yun ta's manyak pa ako. And miss, let me clarify it. Natumba tayong dalawa, okay? It's an accident na doon napunta ang kamay ko. I don't intend to do that to you." Pinagkatitigan ko pa ito ng ilang sandali para malaman kung nagsasabi ito ng totoo. "What? I'm saying the truth."

"Siguraduhin mo lang! Tatamaan ka talaga sa akin kapag nalaman ko na nagsinungaling ka at katulad ka rin ng lalaking 'yun kanina. I hate perverts. I really really hate them. I don't know but I see them like an evils. Like, they don't have the rights to do some nasty things to womans. God! They are disgusting." Galit na saad ko habang nakatingin sa kung saan.

"Then worry nothing. I'm not like them."

"Eh bakit mo ginawa 'yun kanina sa elevator?!" Tanong ko pa ulit sa kaniya habang sinasamaan siya ng tingin.

"Because I'm pissed at you. Ikaw na nga itong tinutulungan tapos ikaw pa 'tong may ganang magalit at tawagin akong bastos." Kasi naman eh! Hinawakan mo!!!! Hinawakan moooo!

"Sorry naman. Ikaw kasi! 'Yang kamay mo kung saan-saan pumupunta." Singhal ko sa kaniya.

"Well... wala naman akong naramdaman. It feel nothing." Pinandilatan ko naman siya ng mata.

"Grabi ka naman sa wala akong maramdaman. Wow? At least meron. Okay na 'yun!" Tinawanan lang ako nito. Napatitig naman ako sa kaniya ng ilang sandali saka nag-iwas ng kumabog na naman ng matindi ang dibdib ko.

Gosh!

"By the way, bakit ka nga pala napunta sa building two? Nasa building one ka naka-assign diba?" Tanong nito.

"Bakit mo alam na nasa building one ako----hala! 'Yung mga papeles kanina!" Agad na sigaw ko ng maalala iyon at agad na tumayo pero pinigilan ako ng lalaki saka pinahiga ulit.

"You rest. Hindi pa masyadong magaling ang katawan mo. Huwag mo ng alalahanin iyon. Ako na ang bahala." Salamat naman.

"A-Ano nga pala ang pangalan mo? Parang hindi kasi kita nakikita dito noon." Matagal na akong nagtatrabaho dito pero hindi ko pa siya nakikita. Maliban ng nakaraan at ngayon.

Hindi ko man lang alam ang pangalan niya kahit ilang beses na niya akong tinutulungan.

"Oh, I forgot na magpakilala. I'm Drake." Inilahad nito ang kamay kaya ngumiti naman ako saka tinanggap iyon.

"Stella."



***

A/N: Good morning and happy reading. Sorry for the late update. Apat na story inupdate ko ngayon kaya medyo natagalan.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now