04

2.7K 181 35
                                    

"Hayop ka! Pakawalan mo'ko! Animal ka talaga, Drake! Papatayin talaga kita kapag nakawala ako rito!" Galit na sigaw ni Stella habang nakatali sa upuan habang ako naman ay karga-karga ang anak namin.


It really feel nice to hold my child. I'm so happy.

Naging successful ang plano namin na kidnappin' sila. Though, medyo lumalim ng kaunti ang galit na Stella sa akin.

It's not totally kidnapped actually kasi nagpaalam din naman ako kay Nanay Selia na kukunin ko muna ang anak niya at ang apo niya sandali para ayusin ang pamilya namin. At nagpapasalamat naman ako dahil pumayag ito. Basta lang raw ay alagaan at huwag saktan ang anak at apo niya.

Parang kaya ko namang gawin iyon sa kanila. Ngayon, sila yung pinakaimportante para sa akin.

"Hayop ka! Saan mo kami dinala, huh?! Anong gagawin mo sa amin?! Pakawalan mo'ko rito, Drake!" Pagsusumigaw pa nito.

"Dito na kayo ngayon titira. Magkakasama na tayo." Nakangiting saad ko habang hinihili ang bata na mahimbing na natutulog sa mga braso ko at hindi alintana ang boses ni Stella. Mukhang sanay na ito sa bunganga ng Nanay niya.

"Anong dito titira?! Ayaw ko! Ayaw kitang makasama kaya pakawalan mo na ako rito, ano ba?! Kidnapping 'tong ginagawa mong hayop ka!" Galit na sigaw nito kaya agad naman akong lumapit sa kaniya at senenyasan siyang manahimik.

"Kahit sumigaw ka ng sumigaw ay walang makakarinig sayo rito at baka magising rin ang anak natin." Saad ko.

"Wala akong pakialam sa lintek na 'yan! Pakawalan mo na ako rito, hayop ka!" Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Huwag mo siyang tawaging ganiyan, Stella. Anak mo'to. Anak natin 'to, oh. Makalintek ka sa anak mo..." Naiiling na saad ko. Hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig nito na masasakit na salita.

Parang hindi sa kaniya nanggaling ang bata kung tratuhin niya. Napapansin ko na ito simula pa ng nagpupupunta ako sa bahay nila.

May mga oras na kapag pinapaalis ako nito ay hindi talaga ako tuluyang umaalis. Andoon lang ako at nakatingin sa kanila at nakikinig. Minsan ay hindi ko maiwasang maawa sa anak namin kapag naririnig kung pinagsasalitaan siya ni Stella ng mga masasakit na bagay at trinatrato na parang hindi niya anak.

"Wala. Akong. Pakialam. Wala akong pakialam! Kaya puwede ba, pakawalan mo na ako! Uuwi na kami ng anak ko at mas lalong-lalo na hindi ko na siya ulit ipapahawak sayo! Hindi ko siya ibibigay sa'yo."

"Edi hindi na lang kita papakawalan para hindi mo magawa 'yon." Nakangiting saad ko saka tumalikod saka pumunta sa may crib at nilagay doon ang anak namin dahil mahimbing na talaga ang tulog nito.

"Hayop ka talaga! Drake, pakawalan mo ako sabi, eh! Gago ka talaga! Gago ka!" Bumalik naman ako sa gawi nito a naupo sa upuan na nasa harap niya.

"I have an offer for you." Seryusong sabi ko habang nakatingin ng deritso sa mga mata niya.

"Ano naman?!" Galit na sigaw nito habang masamang nakatingin sa akin.

"I will give you two million basta huwag ka lang umalis dito sa bahay at alagaan mo ang anak natin. Iyon lang ang gagawin mo." Nakita ko naman itong natigilan dahil sa alok ko sa kaniya. Palihim naman akong natuwa dahil may posibilidad na pumayag ito sa alok ko base na rin sa reaksiyon nito. "It's not that hard, right?"

Nakita ko na bigla itong nag-isip kaya hinintay ko naman ang magiging sagot nito sa akin. Ilang sandali pa ay tumingin na ito sa akin at nagsalita. "Tatlong milyon at gagawin ko ang sinabi mo."

"Dahil dinagdagan mo ang presyo dadagdagan ko rin ang gagawin mo." Nakangiting saad ko saka agad na nag-isip ng puwedeng ipagawa sa kaniya. "Sleep with me in my room."

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now