Special Chapter: First glance

1.6K 65 5
                                    

Hala! Baka malate na naman ako nito. Punyeta naman kasi 'yung alarm clock ko eh hindi tumutunog. Para bang may pumapatay habang tulog ako.

Arghhhh!

Nababaliw na talaga ako. Ako lang naman ang pumapatay nun eh. Nakakasawa kasi ang alarm tapos inaantok pa ako.

Hayyyy.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at 6:58 am na. Gusto kung bilisan ang takbo ng kotse ko pero lintek talaga 'yung traffic.

Imbis na  magwala ay ikinalma ko na lang ang sarili saka ngumiti. "No stress, please. Punong-puno na si self sa stress." Pagkausap ko sa sarili.

Ngayon month ay puro trabaho ng trabaho inaatupag ko. Since napromote ako bilang manager ng nakaraang linggo. Plus 'yung mga new projects. Waaaaaah! Walang pahinga.

Late na akong umuuwi minsan dahil tinatapos ko pa ang mga dapat gawin sa opisina, hindi naman ako nag-iisa na gumagawa nun eh. Lahat naman kami ay subsob sa trabaho.

At maaga ring bumabalik para magtrabaho na naman. Parating ganoon lang ang buhay ko. Trabaho, pagkain at pahinga.

Wala naman akong magawa kasi kailangan ko ring kumayod para sa sarili ko at kung minsan ay pimapadalhan ko rin si Nanay.

Nasa Probinsiya siya nananatili dahil pinagawan ko na siya ng bahay doon dahil mas gusto niya doon kesa dito sa Manila.

Binilhan ko na rin siya ng lupa doon at mga baka dahil gusto niya daw ng may pagkakaabalahan.

Minsan sa isang taon lang akong pumunta doon dahil nga busy sa trabaho.

Hayyyy life parang buhay na living.

Nakita ko namang biglang umayos na ang trapiko kaya pinausad ko na ang kotse ko para makarating na kaagad sa  opisina.

Nang tuluyan na ngang makarating ay agad ko ng ipinarada sa parking lot ang kotse saka bumaba na at nagmamadaling naglakad papasok sa loob.

Habang nasa daan ay binababa ko naman ang palda ko dahil tumaas ito kanina ng nasa kotse ako at hindi ko namalayan na may nakabunggo ako. "Im sorry. " Sabay na saad naming dalawa.

Dahil sa pagmamadali ay agad rin naman kaming naghiwalay ng landas pero bago iyon ay sumulyap pa ulit ako sa mukha nito ng dumaan siya sa tabi ko.

Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kagwapuhan nito. Mataas, maputi, ang linis tingnan, parang matalino din.  Pero mukhang snob na parang cold niya tingnan.

Hindi ko siya kilala ah? Sino kaya siya?

Agad ko na lang na ipinilig ang ulo saka nagmadali ng pumunta sa upuan ko.

"Late ka na naman Stella. Anong nangyari? Laspag ka na naman kagabi dahil sa mga pisteng papeles." Marahas naman akong bumuntong-hininga saka tumango.

"Tompak na tompak mo, Sis. Hanggang ngayon ay inaantok pa din ako pero wala eh, kailangang magtrabaho."

"I feel you very bad sis. Laspag na din ako mula ulo hanggang paa dahil sa mga papeles na pinaasikaso sa atin. 'Yung eye bags ko parang sako na ng bigas sa laki."

"Lahat naman ata tayo dito ay gano'n. Mabuti nga lang at mataas ang sahod dito at mababait ang mga tao na nagtatrabaho dito mula sa boss hanggang sa mga empleado." Saad ko naman saka itinali na ang buhok at inopen na ang computer ko.

"Not all sis. Meron dito na mga tsismosang lamok. Parang madedengue kapag lumapit ka sa kanila eh." Pagtutukoy nito sa mga bakla sa next floor.

"Hayaan mo na lang kasi. Wala ka namang mapapala kapag pinatulan mo sila.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz