19

1.4K 87 22
                                    

A/N: Ang ganda ng cover ko, diba? Si SweeterBitterJulia 'yung gumawa niyan guys! If you want to read some other stories. Feel free to look for her stories. By the way, here's the second update for today. Enjoy and happy reading!



***


Tahimik ang buong bahay ngayon. Si Nanay at si Astreed ay nasa labas at nagpapahangin.

Ako naman ay andito lang sa sofa at nakahiga habang nanonood ng Tv. Nakakapabagot na talaga.

Natapos na namin ni Nanay ang mga gawain dito. Tapos na rin kaming magluto.

Kinuha ko naman ang isang plastic ng chocolates na nasa mesa saka bumukas ng isa at sinubo iyon at finocus na lang atensiyon sa pinapanood.

Pero hindi tumatagal ay nabagot rin ako kaya pinatay ko na iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain ng chocolates.

Ang bilis lang ng panahon. Matagal na rin pala akong nandito ngayon sa bahay na ito. Mag-iisang taon na rin si  Astreed sa susunod na buwan.

Nakayakap naman ako sa sarili saka napatitig sa kawalan ng ilang sandali. Ng nakaraan ay hindi ko naramdam ang ganito na pagkabagot kahit na kami lang rin naman din ang naririto. Kahit na andito si Drake ng nakaraan ay palagi lang rin naman itong nasa opisina niya at nagtatrabaho kaya ano ang pinagkaiba ngayon na nasa opisina din siya pero wala na dito sa bahay? Wala naman eh. Pero bakit ganito....parang namimiss ko na kaagad siya. Parang gusto ko na siyang makita kaagad.

Napabangon naman ako saka naglakad papunta sa ref at kumuha ng tubig na maiinom.

Nakita ko namang pumasok si Nanay kasama si Astreed. "Oh, bakit ganiyan ang mukha mo?" Tanong ni Nanay sa akin.

"Bakit? Anong meron sa mukha ko, Nay?" Tanong ko naman pabalik.

"Ang pangit." Ayon at tumawa naman kaagad siya habang ako ay napairap na lang saka napakamot ng ulo. "Mukha kang bored na bored diyan eh. Ano kaya kung puntahan mo na lang si Drake sa opisina niya saka tulungan. Mas mabuti pa iyon at baka makatulong ka pa sa kaniya." Agad naman akong napatango-tango dahil sa sinabi ni Nanay.

Dapat nga siguro ay puntahan ka siya at tulungan. Marahil ay pagod na ito ngayon.

"Magandang ideya po 'yan Nay. Sige po magbibihis na ako sa taas." Iyon lang at mabilis naman akong umakyat saka agad na dumeritso sa cabinet para mamili ng susuotin.

Para akong timang excited. Para bang mag date na pupuntahan eh sa totoo ay sa opisina lang naman.

Pero kahit ganoon ay parang sumasayaw ang puso ko sa loob. Parang naexcite na kung ano ang buo kung pagkatao.

Agad na akong pumasok sa banyo at nagsinumula ng maligo. Mas tinagalan ko talaga at mas nilinis ang sarili.

Nang matapos ay nagsipilyo na rin ako. Minabuti ko talaga ang pagsisipilyo. Iyong tipong walang matitirang dumi sa ngipin ko.

Makaraan ang ilang sandali ay lumabas na ako saka dumeritso sa harap ng salamin at isa-isang sinuot ang damit na napili ko.

Naglagay rin ako ng kolorete sa mukha. Matagal na mula ng maglagay ako ng nga ganito sa sarili pero parang may kung ano sa akin na maglagay ulit. Light lang iyon. Kunting foundation at lipstick lang ay ayos na.

Inayos ko rin ang buhok ko saka naglagay rin ng perfume. Napatingin naman ako sa buo kung postura at agad na napangiti ng matamis ng makitang bumagay sa akin ang mga suot ko.

Nagmukha na rin akong maayos sa wakas.

Nang matapos na iyon ay naisipan ko ng bumaba at magpaalam na kay Nanay. "Aalis na po ako. Kayo na po munang bahala kay Astreed, Nay."

"Aba't! Opisina ang pupuntahan natin at hindi date, Stella." Inirapan ko lang naman si Nanay na tinawanan lang ako.

"Alis na po ako." Saad ko pa ulit saka hinalikan sa pisngi si Astreed.

"Oh siya, mag-iingat ka." Ngumiti lang naman ako bago tuluyang lumabas ng bahay at saka na naglakad papunta sa labas ng gate at pumara ng taxi.

Habang nasa biyahe naman ay paulit-ulit kung tinitingnan ang sarili sa salamin na dala ko. Kung maayos lang ba ang mukha ko o kung ano man.

"May date kayo Maam, no?" Tanong ng driver kaya nahiya naman ako saka umiling.

"W-Wala po." Siguro ay masyado lang akong excited na makita si Drake kaya hindi ako mapakali.

Nang makarating na sa harapan ng building ni Drake ay hindi ko maiwasang hindi mapahanga. Noon ay hindi ko talaga alam na ganito kayaman si Drake.

Noon ay akala ko talaga ay isang baklang kanto lang rin siya.

Pft. Bakla raw. Naisahan ako ng baklang 'yun.

Napangiti na lang ako sa naisip at naglakad na papasok. Agad naman akong hinarang ng guard. "Ano pong kailangan niyo, Maam?" Tanong nito.

"Ah pupuntahan ko lang si Drake."

"Sino po ba kayo Maam?" Tanong ulit ng guard na parang kinikilala ang mukha ko.

"Ako po si Stella---"

"Oh! Ikaw pala 'yun. Maam, pasok po kayo." Nagulat naman ako ng bigla na lang itong ngumiti at inalalayan pa akong pumasok.

"S-Salamat po." Iyon lang at nagalakad na ako paalis doon at hinanap na si Drake.

Anong floor nga ulit iyon?

Nakalimutan kung magtanong kay Manong Guard kanina.

Agad naman akong naghanap ng pwedeng mapagtanongan at agad naman akong nakita ng isang empleado sa may gilid. "Miss, pwede bang magtanong?"

"Opo naman Maam. Ano po ba iyon?" Nakangiting tanong naman nito.

"Nasaan ba dito ang office ni Drake Emmanuelle Zaragozaa?" Tanong ko sa kaniya.

"Ay si Boss? Andoon po Maam sa fifteenth floor." Ngumiti naman din ako saka tumango.

"Thank you." Iyon lang at umalis na ako roon at hinanap ang elevator saka sumakay.

Habang nasa elevator ay todo ayos naman ako ulit ng sarili. Inayos ko na rin ang suot kung damit saka ngumiti ng malapad.

Nang makarating sa fifteenth floor ay agad ko ng hinanap ang office ni Drake. Malapad ang buong floor kaya nahirapan akong magpabalik-balik dahil hindi ko kabisado 'yung lugar pero sa huli ay nahanap ko na rin naman. Salamat ulit sa isang empleado na nagtatrabaho rin dito.

Habang nasa harapan naman ako ng office ay napahinga pa ako muna ako ng malalim saka itinodo na ang ngiti sa labi pero agad na napansin na may kunting siwang sa pinto.

Hala! Baka nay meeting siya ngayon?

Dahan-dahan naman akong lumapit saka sumilip doon at agad na nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ang nangyayari sa loob.

Parang kusang nawala ang ngiti sa labi ko at kumawala ang luha sa mga mata ko ng marinig ang sinabi ni Drake.

Tahimik akong umalis roon habang hinahayaan ang mga luhang hindi na tumigil sa pag-agos. At ng tuluyan ng makarating sa elevator ay doon ko na tuluyang nilabas lahat ng nararamdaman ko.

Paulit-ulit kung sinusuntok ang dibdib ko at napasabunot sa buhok ng maalala ang nakita ko doon sa loob ng opisina. Napatanga na lang ako sa kawalan habang inaalala iyon.

Nakita ko si Drake... nakaluhod sa harapan ni Nana na nakatayo. Hawak-hawak ni Drake ang kamay niya habang sa isang kamay ay....may singsing na hawak. At sinabi ang salitang 'Will you marry me?'

Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nun. Kahit anong isipin ko ay iisang resulta lang ang nakikita ko.

Si Nana ang papakasalan niya at hindi ako...

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora