08

2.2K 155 67
                                    

WARNING: Mature content below. Read at your own risk.

***

"Here. Drink this. It'll help you." Inilagay ko muna sa may mesa sa gilid ang dala ko at tinulungan siyang maupo.

"Ayos na ako." Mahinang saad nito pero tinanggap pa rin ang tulong ko.

Nang maayos na ang puwesto nito ay kinuha ko na ang hot chocolate at ibinigay sa kaniya. "Epektibo ba ang pain reliever?" Tanong ko ulit sa kaniya at mahina naman itong tumango. "Good then." Nakangiting sagot ko saka inayos ang buhok niya. "I'm sorry kanina. Nagulat lang ako nang makita si Astreed na nasa sahig. Baka kasi magkasakit ito o masaktan." Tumango lang ito at saka nagsimula ng inumin ang hot chocolate na ginawa ko. "May kailangan---"

"Gusto kung kumain ng strawberry na kulay puti. Puwede mo ba akong hanapan?" Mahinang saad nito.

Agad naman akong ngumiti. "Oo naman----ano?! Puti?! Saan ako kukuha nun dito?" Biglang tanong ko dahil sa gulat.

Puting strawberry? I know merong ganoon pero hindi ko alam kung meron dito sa Pilipinas at kung meron man... saan?

"Ah... kalimutan mo na lang 'yon. Huwag na lang pala. Mukhang hindi mo naman gagawin 'yon para lang sa akin, eh." Mahinang saad pa nito kaya agad naman akong umiling saka nginitian siya ng matamis.

"I will find some for you. Ikaw muna bahala kay Astreed habang wala ako, okay? Pero kung hindi naman siya umiyak ay huwag ka na lang gumalaw at manatili ka na lang dito at magpahinga dahil ayos naman si Astreed basta hindi ito umiiyak." Tumango naman ito at nagpatuloy sa pag-inom ng hot chocolate na ginawa ko.

Tumayo na ako at agad ng umalis sa kuwarto para tawagan si Nana.

"Oh, napatawag ka? Nakonsensiya ka na ba sa ginawa mo sa akin---"

"May alam ka ba kung saan merong white na strawberries?" Deritso kung tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Anong gagawin mo sa---buntis agad si Stella?! Luh! Wild niyo naman. Ilang ano pa nga lang kayong nagkakasama, eh, tapos---"

"May regla. Gusto daw kumain ng puting strawberries. Ngayon may alan ka ba?" Tanong ko habang bumababa ng hagdan.

May regla nga ba siya...? Wala naman itong sinabi sa akin. Pero sumasakit yung tiyan ng mga babae kapag may regla, diba? Tapos nag-ke-crave sa pagkain? Maybe she's really have her period rightnow.

"Wow! Nagkaregla rin naman ako pero hindi ako ganiyan. White strawberries? Dinaig pa yung buntis, jusmiyo. By the way, meron. Balak ko pa nga lang sanang kainin, eh. Mabuti na lang hindi ko nababawasan. Pinadala ni Dale sa akin dahil marami siyang ganito. " She's babbling nonstop. But I'm still glad dahil mayroon siya.

"Kukunin ko riyan yung mga berries. Hintayin mo'ko, papunta na ako." Imporma ko bago pinatay ang tawag at dumeritso na sa kotse.

Mabuti at hindi traffic ngayon kaya maluwag ang daan at mabilis rin akong nakarating sa condo ni Nana na hindi naman kalayuan.

Makaraan ang ilang sandali ay nakarating na ako. Bumaba na kaagad ako sa kotse ko at tumakbo papasok pero bigla naman itong lumitaw kaya natigil din ako. "Grabe naman si Stella parang buntis lang. Binuntis mo ba ulit, ha?" Tinaasan pa ako nito ng kilay.

Bumuntong-hininga naman ako saka kinuha sa kaniya ang dalawang carton ng strawberries. "I'm not that kind of person who will repeat his sin twice, Nana. This time, I'll respect Stella and I won't touch her without her permission." Seryusong saad ko bago ito nginitian. "Salamat dito." Pasasalamat ko saka tumalikod at dali-daling naglakad pabalik sa kotse ko.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon