06

2.3K 148 16
                                    

"Ikaw muna bahala sa kaniya, maliwanag? Alagaan mo ng mabuti ang anak ko dahil kung hindi ay iihawin talaga kita ng buhay. Mag-go-grocery lang ako." Saad ko habang nilalaro ang daliri sa pisngi ng anak ko. Her cheeks is soft like marshmallow.

Agad namang kinuha ni Nana sa braso ko si Astreed at sinayaw-sayaw. "Oo naman. Ako bahala sa anghel na ito. Tingnan mo naman, oh. Ang cute cute talaga niya. Sino ba naman ang hindi mag-aalaga ng bongga sa baby na kagaya nito. Yieee, cute raw yung Astreed namin." Kiniliti pa nito ang anak ko dahilan para mapahagikhik naman ito.

"Oh, alis na ako. Babalikan ko na lang siya mamaya rito." Dinala ko rito sa condo ni Nana ang anak ko dahil walang may magbabantay sa kaniya sa bahay. Mahihirapan ako sa pagdala ng bilihin kapag isinama ko naman siya sa akin lalo pa at marami ang kailangan kung bilhin dahil hindi na rin ako nakapah-grocery nitong mga nakaraan dahil busy ako sa pag-aasikaso sa anak ko.

Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkausap kay Astreed kaya tumalikod na ako at sumakay sa kotse. "Buh-bye na kay daddy. Buh-byeee!" Hinawakan ni Nana ang kamay ni Astreed at iwinagayway ito.

Tiningnan ko pa ng ilang sandali ang anak ko at napangiti na lang bago tuluyang iminaneho paalis ang kotse.

M

ahigit dalawang linggo ko na rin na hindi nakikita si  Stella simula ng pag-alis nito sa bahay. Pinahanap ko na ito sa mga taong binayaran ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila siya nakikita maski na ro'n sa bahay nila ay wala rin siya ng puntahan ko ng nakaraan.

Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Wala na rin naman kasi akong kilalang kaibigan nito na puwede niyang puntahan.

Parang wala naman na akong alam sa kaniya ngayon.

Ganito pala ang pakiramdam na iwananan ka ng walang pasabi. Ang sakit. Sobrang lungkot. Ngayon ay tuluyan ko ng na-realize kung bakit naging ganoon si Stella matapos ko siyang iwanan.

Pero hindi ko mapigilan na hindi mainis sa kaniya. May anak na kami ngayon. Kahit sana nag-stay siya para sa bata, kahit hindi na para sa akin. Pero wala, eh... umalis pa rin ito.

Bumuntong-hininga na lang ako at napatingin sa labas pero agad din na tumigil ang paningin sa isang pamilya na masayang nag-uusap habang naglalakad. Hindi ko maiwasang mapaisip ng... sana ganoon rin kami.

Sana kaya rin naming maging masayang pamilya kagaya nila.

Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho pero may traffic pa sa may east way kaya natagalan pa ako bago makaalis do'n.

Parang habangbuhay na ang traffic dahil sa tagal. Marami ng nagrereklamong tao dahil ma-le-late na raw sila sa mga trabaho nila. Mabuti na lang ngayon at wala akong importanteng trabaho sa kompaniya kaya hindi ko na kailangang pumunta pa ro'n.

Maya-maya pa ay lumuwag na ulit ang daan kaya nakaalis na ako. Dumeritso na ako sa grocery store para makapamili na at mabalikan na ang anak ko. Baka ano na namang kababalaghan ang ginagawa ni Nana sa kaniya.

Kumuha lang ako ng isang cart at nagsimula ng kumuha ng mga bagay na kailangan sa bahay. Importante talaga yung gatas ni Astreed. Mga pagkain dahil wala ng laman ang ref namin sa bahay. Canned goods, veges, fruits at kung ano-ano pa na mahagip ng mata ko at kakailanganin sa bahay.

Matapos ang mahigit isang oras na pamimili ay tuluyan ng napuno ang cart ko at nabili ko na lahat ng mga kailangan ko kaya dumeritso na ako sa counter pero naabotan kung mahaba pa ang pila. Pumila na lang din ako at inisip kung may nakalimutan pa ba akong bilhin. Ayaw ko ng magpabalik-balik pa dahil masyado iyong hassle.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now